^

PSN Showbiz

Ex B walang malay na nilaglag na ni AiAi

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Ex B walang malay na nilaglag na ni AiAi

SEEN: May mga sexy but decent scene si Sanya Lopez sa Dahil Sa Pag-Ibig, ang afternoon drama series ng GMA 7 na mapapanood simula sa May 20, 2019. Ang Dahil Sa Pag-Ibig ang ika-apat na television project ni Sanya bilang contract star ng Kapuso network. Ang Dahil Sa Pag-Ibig ang ipapalit sa timeslot ng Inagaw Na Bituin na magwawakas ngayong hapon na sina Kyline Alcantara, Therese Malvar, Angelika Dela Cruz at Sunshine Dizon ang lead stars.

SCENE: Itinanggi ni Winwyn Marquez sa presscon ng Dahil Sa Pag-Ibig ang balita na nagkakamabutihan sila ni Alden Ri­chards pero inamin niya na matagal na ang friendship nila. “Siya ang tanungin ninyo,” ang sagot ni Winwyn sa mga reporter na hindi pinaniniwalaan ang denial niya. Magkaibigan pa rin si Winwyn at ang kanyang ex boyfriend na si Mark Herras. Wala raw nangyari na saulian ng gamit nang magkahiwalay sila. Tumagal ng tatlong taon ang relasyon nila. 

SEEN: Nakatulong ang popular K-Pop boyband na BTS para maka-move on si Winwyn Marquez mula sa break up nila ni Mark. Sinabi ni Winwyn na ang BTS ang naging coping mechanism niya at dahil big fan ng sikat na grupo, pupunta siya sa Japan sa July para panoorin ang concert ng kanyang kinahuhumalingan na boyband.

SCENE: Si Raymond Bagatsing ang gumanap na President Manuel Quezon sa Quezon’s Game, ang pelikula ng Star Cinema at Kinetek na ipalalabas sa cinemas nationwide sa May 29. Nakuha ni Raymond ang role nang imbitahan siya na sumali sa audition na ipinatawag ng American director na si Matthew Rosen.

SEEN: Mula noong December 2018, 23 awards na ang napapanalunan ng Quezon’s Game mula sa iba’t-ibang  mga international film festival tulad ng Maryland International Film Festival, Ramsgate International Film & TV Festival at Accolade Global Film Competition.

SCENE: Ikinagulat ng Ex Battalion ang balita na binitawan ni AiAi Delas Alas ang pamamahala sa kanilang career. Nalaman lang ng Ex Battalion ang balita mula sa ibang tao dahil hindi na sila kinakausap ng kanilang dating manager na maraming beses nilang binigyan ng problema.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

EX BATTALION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with