Robin Padilla
Robin ‘inaayos’ ang franchise ng Kapamilya?!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

Si Robin Padilla nga ba ang nagbi-bridge para maayos ang renewal ng franchise ng ABS-CBN na magi-expire next year?

Ito ang usap-usapan ngayon at naniniwala rito si Nay Lolit Solis.

Nauna na kasing sinabi ni Alex Gonzaga na si Robin ang nag-imbita sa kanila sa Thanksgiving dinner na gina­nap sa Malacañang at pinayagan daw sila ng ABS-CBN kahit may taping sila.

Umepekto kaya ang power ni Robin para magbago ang isip ni President Duterte sa Kapamilya Network?

Sinasabi ngang malabong makapag-renew ang ABS-CBN kaya nakahanda na diumano ang mga social media platforms nila sakaling hindi maayos sa Congress ang renewal ng franchise ng network.

Nauna nang sinabi ng pangulo ng bansa na mag-o-object siya sa renewal nito.

“Hindi ko palusutin. Iyong franchise niyo matatapos.

Kris naaksidente

Naaksidente na naman pala si Kris Aquino.

Napatama siya nang madulas sa wooden breakfast tray sa kanilang bahay nang bumaba ng kama.

Nang humihingi na raw siya ng tulong, hindi siya narinig dahil sound proofed ang kanilang bahay.

 “Warning: it’s not great to have a sound proofed home. Bimb was in his study room across & i was afraid to move in case i dislocated anything; i kept shouting for HELP but nobody could hear me... after a couple of minutes i saw my phone was within reach & i called bincai, she came in, saw me in a crumpled heap then 3 of them helped put me in a seated position to check if i had hurt anything badly. My lower right side arms up to my shoulder have scrapes, bruises, and swelling. Ribs hurt, left side of my neck feels sore & i feel a bukol in the back of my head. To lighten the situation i know that i’m kelly clarkson’s “beautiful disaster” but as ed sheeran said at least “hearts don’t break around here”... good health to all,” kuwento nito.

ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with