Miriam Defensor-Santiago
Nasirang Sen. Miriam bumida nung eleksiyon!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

Ginugulo ang kaluluwa? Vote wisely hindi bumenta?

Hindi kaya naliligalig ang kaluluwa ni the late Senator Mi­riam Defensor-Santiago kung nasaan man siya ngayon?

Last Monday, Election Day, ang qoute niyang “Kahit sinong tanga puwedeng tumakbo sa mas mataas na posisyon, at posibleng umani  ng boto mula sa mga kapwa niya tanga” ang most popular Tweet at umabot sa 24,000 ang nag-retweet na hanggang ngayon ay niri-retweet pa.

Imagine habang nanahimik na sa kabilang buhay ang dating senador, ‘gamit na gamit’ pala siya nung election?

Ang natatalo namang senatoriable na si Samira Gutoc ang isa sa mga kandidato na pinag-usapan sa Twitter during the election season (mula January 13 up to May 13, 2019). Dito raw kasi naglalabas ng saloobin si Madam Samira ng Otso Deretso na hanggang sa sinusulat namin ang item na ito,  ay wala pang pumapasok sa Magic 12 na kandidato ng OD.

Actually base sa report ng Twitter PH, ang mga kandidato ng Otso Deretso ang suki ng usapan sa nasabing social media platform. Aside from Madam Samira, kasama rin sa pinaka-pinag-usapan dito ay si Chel Diokno, Neri Colmenares, Pilo Hilbay at Erin Tanada.

Malakas din ang naging dating ng mga celebrity na naghihikayat sa lahat na bumuto para sa ikakaunlad ng bansa. Na-monitor din ng Twitter PH ang pagsama ng mga ibang artista sa mga sinusuportahan nilang kandidato pati ang pagsama nila sa mga rally lalo na sa mga ini-endorse nilang mga senatoriable.

Kasama naman sa Top Hashtags ang #Halalan2019, #Eleksyon2019, #Eleksiyon2019 #OtsoDeretso #PHVote #VoteWisely #22Colmenares #36Gutoc #Harapan2019 and #42Kabataan.

Kung tutuusin talaga namang nagamit ng lahat ang karapatan nila sa freedom of expression sa mismong araw ng pagboto natin.

Pero umepekto ba ang mga ito?

Well.

Nangungulelat sa nagaganap na bilangan ng senatoriables ang mga bumida sa mga social media platform na pinakinabangan naman ng mga nilalait nila tulad ni Bong Revilla na kahit tumambleng pa sila sa pang-iinis ay nasa no. 10 na ito kahapon sa ginaganap na unofficial canvas­sing.

Yup, katakot-takot na panlalait ngayon ang tinatamasa ng dating senador na parang walang epekto sa mga bumuto.

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with