Loisa Andalio
Loisa, bumaba ang BP bago nag-concert
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

Noong May 10 ay ginanap ang isang special concert sa Music Museum bilang selebrasyon ng ika-dalawampung kaarawan ni Loisa Andalio. Isang araw bago ang show ay talagang masama raw ang pakiramdam ng aktres dahil sa dehydration at pagbaba ng blood pressure.

“Galing akong ospital kasi na-dehydrate ako. Hanggang sa bumaba na ‘yung BP ko. Tapos dinextrose ako agad. Sabi ko (sa doktor), ‘Hindi po pwedeng overnight ako dito, kasi may show pa po ako kinabukasan.’ Kinabukasan parang ang hina pa ng resistensya ko. No’ng rehearsal nagsayaw lang ako hinihingal na ako. Kaya kinabahan na ako kung paano ko gagawin ‘yung buong show nang hindi ako nagsusuka,” kwento ni Loisa.

Masayang-masaya naman ang dalaga sa kinalabasan ng concert kahit na nagkaroon siya ng sakit. Ayon sa aktres ay ito ang pagkakataon niyang makausap nang masinsinan ang kanyang mga tagahanga. “Gusto ko talaga ‘yung gano’n eh, nag-concert ako hindi lang para mag-entertain, ‘yung parang may heart to heart talk kami ng mga tao,” pagtatapos ng aktres.

Simula sa May 31 ay mapapanood si Loisa sa digital series na Past Present Perfect sa iwant.ph. Nakasama ng aktres sa kauna-unahang pagkakataon para sa bagong serye sina Shaina Magdayao at Vin Abrenica.

Marco perfect ang tingin kay Anne

Tapos na ang shooting ng pelikulang Just A Stranger na pinagbibidahan nina Anne Curtis at Marco Gumabao. Sa Portugal pa kinunan ang ilan sa mahahalagang mga eksena para sa proyektong ito mula sa Viva Films.

“Sa Portugal kasi magmi-meet ‘yung character namin. Pero mas marami ang shoot namin sa Manila,” nakangiting bungad ni Marco.

Isang malaking karangalan para sa aktor na makapagbida sa isang malaking pelikula at makatambal si Anne. Matatandaang unang nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang Aurora na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2018.

“Anne is really, sobrang bait niya. Wala akong masabi. She is perferct. Parang I couldn’t ask for anyone else na makasama in this movie. That’s why super thankful ako sa Viva and of course kay Anne na ako ‘yung pinili nila to do this,” paglalahad ng binata.

Aminado si Marco na kinakabahan siya ngayong leading man na ang mga role na nakukuha sa mga proyekto. Kamakailan ay nagbida rin si Marco sa pelikulang Para Sa Broken Hearted kasama sina Shy Carlos at Louise delos Reyes at Apple of My Eye kasama naman si Krystal Reyes.

Bukod sa paggawa ng mga pelikula ay isa rin ang aktor sa mga bida ng  teleser­yeng Los Bastardos sa Kapamilya network.

“Siyempre mas nakaka-pressure pero one project at a time. So focus muna on this one, and then whatever happens after that saka ko na poproblemahin ‘pag nando’n na,” giit ng aktor.

May ilang maseselang eksena kayang ginawa sina Marco at Anne sa bagong pelikula? “Basta, hintayin n’yo na lang ‘yung trailer,” pagtatapos niya.     (Reports from JCC)

LOISA ANDALIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with