AiAi Delas Alas
AiAi sumuko na sa pagiging manager
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

SEEN: Ang unprofessionalism ng Ex Batta­lion ang pangunahin na dahilan kaya binitawan na ni AiAi Delas Alas ang pamamahala sa kanilang showbiz career. Napagod na si AiAi sa mga problema na ibini­bigay sa kanya ng Ex Battalion.

SCENE: Maraming beses na pinaiyak si AiAi Delas Alas ng ilang mga miyembro ng Ex B  na hindi sinisipot ang mga tinanggap na commitment dahil wala sila sa mood o may ibang lakad, kahit paglabag ito sa kontrata na kanilang pinirmahan.

SEEN: Hinintay lang ni AiAi na maipalabas sa mga sinehan ang Sons of Nanay Sabel pero matagal na panahon na pinag-isipan niya ang plano na bitawan ang Ex Battalion na nagbigay sa kanya ng mga problema na hindi naranasan ng Comedy Queen sa mga tunay na anak nito.

SCENE: Forty-five days na mawawala sa sir­ku­lasyon si Matteo Guidicelli dahil magsisi­mula sa May 27 ang Philippine Army training niya na matatapos sa July 1. Excited si Matteo sa pagsisimula ng bagong kabanata ng buhay niya.

SEEN: Ang Sundo ang unang single ni Matteo Guidicelli sa Viva Records. Sa May 24 ang launch ng Sundo sa The Music Hall Metrowalk. Inayos na ng Viva Artists Agency ang schedule ni Matteo  para hindi magkaroon ng conflict ang training niya sa Philippine Army sa kanyang mga showbiz commitment.

SCENE: Memorable kay Matteo Guidicelli ang pagdalaw niya kay President Rodrigo Duterte sa Malacañang Palace noong April 17, 2019. Tuma­gal ng thirty minutes ang pag-uusap nina Matteo at Duterte dahil na-delay ang pagdating ng helicopter na susundo sa pangulo. Naranasan ni Matteo na i-bash ng mga anti-Duterte dahil sa kanilang meeting pero hindi siya nagpaapekto. “You cannot please everybody” ang reaksyon ni Matteo.

SEEN: Big fan si Matteo Guidicelli ni Martin Nievera. Naging guest na si Martin sa mga concert niya pero welcome sa kanya na magkaroon sila ng back-to-back concert.

AIAI DELAS ALAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with