Isko Moreno
Isko noon pa sanay magpagod!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

Naiyak naman talaga ako nang makita ko ang proklamasyon ni Isko Moreno Domagoso bilang mayor elect ng Maynila. Ever since na makilala ko siya sa That’s Entertainment ay alam ko na malayo ang mararating niya.

Kung marami ang hindi makapaniwala, kasama na ang kanyang ina, na marara­ting niya ang kinaroroonan  niya ngayon, ako hindi. Obligasyon lamang niya sa panghapong programa ng namayapang Master Showman na si German Kuya Germs Moreno ang kumanta, sumayaw at sumama sa weekly presentation ng limang grupo ng mga kabataang artista na bumubuo ng programa pero siya, walang pangiming sumasama sa uti­lity crew at nagsisilbi sa mga kasamahan niya tuwing oras ng kainan. Nagpaalam din siya sa direktor ng programa na kung maari ay asistihan niya ito sa pagdidirek nito at lahat ng mahawakan niyang script ay mataman niyang binabasa at pinag-aaralan.

Ipinagpatuloy ni Isko ang kanyang pag-aaral dito at maging sa abroad. Hindi niya hinayaang magkaro’n siya ng kakulangan sa edukasyon. Matagal na siyang hinihintay ng mga Manilenyo na tumakbo bilang ama ng Maynila pero, lahat ng mga nangako sa kanya na siya ang isusunod na patatakbuhing mayor ay pawang nakalimutan ang pangako nila sa kanya nang mawala sila sa katungkulan.

Dumating na ang panahon ni Isko para makamit ang matagal na niyang minimithing posisyon. Tumakbo siyang mayor ng Maynila at lumaban kontra sa mga itinuturing niyang mga pangalawang ama at mentor sa public service pero, mga Manileyo na ang nagpasya.

Swerte ng Maynila dahil siguradong tutuparin ng bago at  nakakabatang nahalal ang kanyang pangako sa kanyang kampanya. Mahirap na trabaho pero, sanay namang mapagod si Isko para sa minamahal niyang taga-Maynila. Di ba, Kuya Germs?

Julia open kay James Reid

Kampante naman si Julia Barretto na hindi niya maiwan ang kaparehang si Joshua Garcia kahit pinayagan sila ng kanilang network na maghiwalay sa movie project na Between Maybes, isang love story na ginawa ni Jason Paul Laxamana. Confident siya na hindi madedehado ang kapareha dahil may talento ito at makakayang dalhin ang kanyang sarili. Kaya kampante siyang mag-promote ng unang movie na wala ang kapareha at si Gerald Anderson ang kasama niya.

May chemistry sila, nagpaparamdam sila ng kilig sa mga manonood. Hindi magseselos si Joshua dahil taken na ni Bea Alonzo si Gerald. Agad namang dinumog ang pelikula  sa unang araw ng pagpapalabas nito sa mga sinehan. Kapag nagpatuloy ito ay makikita pa si Julia sa ibang kapareha. Si Joshua naman ay natatanggap, lalo na sa mga komersyal na ginawa niya nang wala si Julia. Open si Julia sa pakikipag-tambal kina Jericho Rosales, Empoy Marquez, Ian Veneracion, and even James Reid.

Kanta para sa eleksiyon, malakas ang recall

Kahapon, habang abala ako sa kapipindot ng remote control ng aking TV set, sa kagustuhan kong mapalawak ang aking paghahanap ng resulta ng katatapos na halalan ay nagawi ako sa GMA where I heard a very beautiful song na kinompos ni Louie Ocampo at isinulat ni Joey Ayala. Nanghina­yang lang ako dahil unang pagkakataon ko na marinig ang advocacy song na ginawa para sa isang honest and peaceful elections at baka ako lamang ang makarinig nun. Dapat narinig yun ng maraming nag-participate para piliin ang mga magpapatakbo ng ating bansa sa lahat ng istasyon ng radyo at TV before and during the elections. Pero, bakit tila ang GMA lamang ang nagpapatugtog nito?

Labing apat na singer ng bansa ang kumanta ng awitin na may pamagat na Sana Naman Taumbayan – sina Ryan Cayabyab, Moy Ortiz ng The CompanY, Reuben Laurente, Maysh Baay ng Moonstars 88, Jamie Rivera, Jed Madela, Robert Sena, Isay Alvarez, Myke Solomon, Jay Durias, Mitch Valdez, Agot Isidro, Bayang Barrios at Mass Appeal Choir.

Ang ganda ng song, pwedeng maging bukangbibig ng lahat gaya ng We Are the World.

Maris at McCoy may chemistry

Mukhang mas bagay na pareha sina Maris Racal at McCoy de Leon. Malakas ang chemistry nila, kahit sa trailer pa lamang sila napapanood, sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya. Mari-realize ninyo rin ito kapag napanood ninyo sila ngayong Sabado sa MMK.

I’m sure di magseselos si Inigo Pascual dahil nakatagpo ng isang magaling na kapareha ang girlfriend niya. Si McCoy naman ay wala pang nakikitang pwedeng makapalit ni Elise Joson bilang kapareha niya. With Maris’ help, pwede nang sumipa ang karera niya.

ISKO MORENO DOMAGOSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with