Julie Anne San Jose
Julie Anne itinodo ang pagbubuyangyang
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

It was in November 2018 nang mapabalitang hiwalay na ang magkasintahan at parehong Kapuso talents na sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves ending their two-year relationship pero nung January 2019 lamang ito kinumpirma ng singer-actress-composer at tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart who will be turning 25 on May 17.

Ganunpaman, unti-unti nang nakapag-move on ang singer-composer-actress na kasalukuyang nasa New York, USA kasama ang ibang Kapuso talents na sina Alden Richards, Golden Cañedo, Betong Sumaya, Christian Bautista at Rayver Cruz para sa Pusong Pinoy Studio 7 Musikalye sa Brooklyn.

Panay ang post nito ng kanyang sexy photos sa Instagram na ikinagugulat din ng kapwa niya artists.

Rayantha Leigh unti-unting umusad ang career

Mukhang malayo ang mararating ng 15-year-old singer-actress at celebrity endorser na si Rayantha Leigh dahil sa murang edad ay marami na ang nakuhang achievements nito.

Sa launching ng kanyang debut album na pinamagatang Rayantha Leigh, napag-alaman namin na limang iba’t ibang produkto na pala ang endorsements nito tulad ng Erase Beauty Products, YSA Skin and Body Expert, H&H Makeover Salon, Switch Limited Cloths at Halimuyak Perfumes. Host din siya ng Bee Happy Go Lucky 2.0 sa IBC-13 tuwing araw ng Sabado, 4:30 p.m. Nakapag-perform na rin siya nung nakaraang April 9, 2017 sa Skydome ng SM-North EDSA bilang special guest sa concert ni Gerald Santos at nung nakaraang April 21, 2019 isang event na ginanap sa Inihaw in Shinjuku, Tokyo, Japan plus her upcoming international performances in Hong Kong sa darating na June 16, 2019 at Tokyo, Japan on December 8, 2019 among others.

Marami-rami na rin ang parangal na natanggap ni Rayantha Leigh. Bukod sa siya ang tinanghal na Best New Female Recording Artist ng PMPC nung nakaraang taon, ginawaran din siya as Young Achiever as Ten P’Pop ng World Excellence Award na ginanap sa Heritage Hotel nung January 2017, Outstan­ding New Talent in Show Entertainment ng Global Pinoy Web Radio Awards (2017), Young International Aritist mula sa World Class Excellence Japan Award na ginanap sa Fukuoka, Japan nung September 2017.

JULIE ANNE SAN JOSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with