Mocha hindi nakalusot sa Partylist, influencer sa social media talunan
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2019 - 12:00am

Ang mga artistang nanalo at natalo sa naganap na eleksiyon noong Lunes ang tinutukan at pinag-usapan ng nangungunang digital talk show na Take It… Per Minute!. nina Manay Lolit Solis and Manay Cristy Fermin with Mr. Fu.

Maraming natalo, pero mas marami ang nanalong artista kung tutuusin.

Pero pinaka-malungkot talaga ang kapalaran ng pamilya Estrada. Mula kay Mayor Joseph Estrada na tinalo ni Isho Moreno Domagoso sa pagka-mayor ng Manila, si former Jinggoy Estrada na nasa no. 15 sa nagaganap na bilangan ng mga nanalong senador na ang anak na si Janella na kumandidatong mayor ng San Juan ay hindi rin sinuwerte. Maging ang anak ni Mayor Erap na si Jerika na anak niya sa former actress na si Laarni Enriquez na kumandidatong councilor ng Manila ay hindi rin pinalad. Maging ang mga kamag-anak nilang si ER Ejercito na kumandidatong governor ng Laguna, talunan din. Ganundin si Gary Estrada na kumandidatong vice mayor ng Cainta. kaya naman grabe raw talaga ang iyak ng misis ni Jinggoy na si Precy.

Anyway kasama sa mga nanalo sina

Lito Lapid (senator)

Richard Gomez (mayor) and Lucy Gomez (representative)

Vilma Santos (representative)

Alfred Vargas (representative)

Vico Sotto (Pasig, Mayor)

Gian Sotto (QC Vice Mayor)

Wahoo Sotto (councilor, Parañaque)

Daniel Fernando (governor)

Jestoni Alarcon (board member)

Allen Tan (asawa ni Roselle Nava, councilor Parañaque)

Vandolph Quizon (councilor, Parañaque)

Jomari Yllana (councilor, Parañaque)

Imelda Papin (vice governor, Camarines Sur)

Jhong Hilario (Makati, councilor)

Precious Hipolito (representative)

Jolo Revilla (vice governor, Cavite)

Lani Mercado (mayor, Bacoor, Cavite)

Hero Bautista (councilor, Quezon City)

Kabilang naman sa iba pang natalo sina :

Edu Manzano

Richard Yap

Mark Lapid

Rommel Padilla

Tatay nila Toni and Alex

Rochelle Barrameda

Jeremy Marquez

Mocha Uson (Partylist)

Ang kapatid ni Sharon Cuneta na si Chet ay talunan din.

Napatunayan din sa nasabing eleksiyon na walang epekto ang social media na niraket ng maraming nagpapanggap na influencer.

Iba talaga pag ang approach mo ay traditional sa kampanya at kitang-kita naman ‘yun sa mga nangunguna ngayon sa pagka-senador.

Anyway, naging guest naman ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

Cute pala si Jeric at game na game sa mga maiinit na tanong at comment ni Mr. Fu.

Meron pala siyang mga natatanggap na mga indecent proposal sa pulitiko pero ayaw niyang ibuko kung sino. Inamin din niyang naging girlfriend niya pala si Pauline Mendoza.

Sina Heart Evangelista, Carla Abellana and Jona ang naalala ko nang mabasa ko ang article tungkol sa isang Norwegian woman na namatay dahil sa rabies matapos sagipin ang isang puppy habang nagbabakasyon siya sa isang resort sa ating bansa. Ayon sa isang story na lumabas sa BBC.com, hindi natiis ng 24-year old na si Birgitte Kallestad nang makita niya ang isang puppy na pakalat-kalat. Dinala raw ito ng foreigner sa kanyang tinitirhang resort at matapos linisan ay nilaro-laro. Pero pagbalik niya ng Norway, nagkasakit na ito. Meron daw itong malilit na ‘scrapes’ pero hindi pinansin. Ilang beses daw itong dinala sa emergency room sa Norway na sa umpisa ay hindi pa alam kung ano ang naging sakit. Pero hindi nagtagal ay namatay din siya. Hindi raw agad na-detect na nakagat ito ng may rabies.

Sad kasi nagbakasyon lang siya tapos yun pa ang naging kapalaran niya samantalang naawa lang siya sa aso.

Kilala kasi sina Heart, Carla at Jona na nag-aampon ng mga asong nagkalat.

Anyway, may isa rin akong kakilala na pusa naman ang nakakagat. Hindi rin niya pinansin. Akala niya ay wala lang ‘yun. Hindi rin nagtagal, namatay siya. Ang dahilan nga, kagat ng pusa.

Hindi biro ang makagat ng aso o pusa lalo na sa mga nagkalat sa kalsada dahil mas marami silang rabies.

2019 MIDTERM ELECTIONS TAKE IT… PER MINUTE!
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with