Ian
Ian kinarir na ang pagiging singer
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2019 - 12:00am

Bukod sa paggawa ng mga pelikula at teleserye ay pinasok na rin ni Ian Veneracion ang pagkanta. Ayon sa aktor ay matagal na niyang hilig ang pagkanta at pagtugtog ng mga instrumento.

“I’ve always been into the piano and guitar. Tapos I’ve been making songs ever since and I’ve recorded and produced my own songs pero isa-isa lang nilalabas. Ever since music has always been very personal and bina-value ko ‘yon. Tapos no’ng na-offer ‘yung role sa A Love to Last tapos sinabi maggi-guitar din ako tapos kakanta din. I know naman I’m not tone deaf. So do’n lang nag-start ‘yon actually. Tapos na-enjoy ko na, ” pagdedetalye ni Ian.

Bukas ay magiging special guest ni Zsa Zsa Padilla ang aktor sa Totally Zsa Zsa! concert na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila. Pinaghahandaan na rin ni Ian ang isa pang concert na planong gawin bago magtapos ang taon.

Abala rin ngayon ang aktor sa pagpo-promote ng kanyang mga bagong kantang ginawa para sa mga tagahanga. “I have two original songs on Spotify pero I have some more na hindi pa lumalabas and merong mga covers also from the show we did before,” pagtatapos niya.

Chienna ng GT nakakaisaNG BF pa lang na taga-showbiz

May bulung-bulungan na nagkakamabutihan na raw si Chienna Filomeno at ang modelo at Pinoy Big Brother housemate na si Mark McMahon. Napapansin daw kasing malapit sina Chienna at Mark sa isa’t isa.

“We are close friends from way back like siguro kaka-start ko pa lang sa showbiz. We’ve known each other sa events. ‘Hi! Hello!’ and ayun naging close friends. Kasi nag-commercial din ako, nag-commercial din siya pero hindi siya nanliligaw,” paglilinaw ni Chienna.

Ayon sa miyembro ng GirlTrends ay si Alex Diaz lamang ang kanyang naging kasintahan na artista. Naging magkarelasyon ang dalawa sa loob ng apat na taon. “Four years naging kami but it was on and off. But we tried to work it out but ended up like napag-usapan namin na hindi kami mago-grow together. So we decided na stop na lang and remain friends,” pagtatapat ng dalaga.

Sa ngayon ay bihira na raw magkausap sina Chienna at Alex. “No, after no’ng nag-break kami. May kontakan pero regarding lang sa work,” giit niya.

Samantala, masayang-masaya ang aktres dahil sa namamayagpag pa rin ang karera ng Girltrends na mas kilala na ngayon sa tawag na GT.

“Ang dating sa akin, I’m happy because I think na three years na kami. ‘Yon lang na nag-stick kami as young eh we’re getting old. We are all getting old. So naging positive siya in a way na Showtime is there for us and alam nila what’s best for all the girls,” nakangiting pahayag ni Chienna. (Reports from JCC)

CHIENNA FILOMENO IAN VENERACION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with