JV
JV malungkot sa nangyari sa pamilya
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2019 - 12:00am

SCENE: Si Senator JV Ejercito ang isa sa mga miyembro ng Ejercito-Estrada family na unang nagpaunlak sa GMA News na magpainterbyu tungkol sa nangyari sa kandidatura ng kanyang mga kamag-anak. “It’s a sad day for the family. I think we just have to be honest about it. We spread ourselves too thin. Ang dami namin masyado instead of strengthening our base,” ang pahayag ni Senator JV.

SEEN: Ang pasasalamat ni San Juan City Vice Mayor Janella Estrada sa lahat ng mga kababayan niya.

SCENE: Maluwag sa loob na tinanggap ng former GMA-7 news anchor na si Jiggy Manicad ang pagkatalo niya sa senatorial race. “Lord, you know that I have fought the good fight. I have finished Your race and I have kept my faith. The battle is not mine but Yours alone. I surrender to your mercy, love and compassion,” ang pahayag ni Manicad.

SEEN: Natalo sa mayoral race sa Pasay City ang kapatid ni Sharon Cuneta na si Chet Cuneta. Hindi nakatulong sa kandidatura ni Chet ang paggamit niya sa balota ng pangalan na ChetSharon Cuneta.

SCENE: Hindi pinalad na manalo si Rochelle Barrameda bilang konsehal sa unang distrito ng Parañaque City. Hindi rin nagwagi si Jeremy Marquez, ang Parañaque City vice-mayoral candidate na sinuportahan ni Rochelle.

SEEN: Parehong natalo sa eleksyon sa Makati City sina Junjun Binay at Monsour del Rosario. Kumandidato si Junjun na mayor ng Makati City at running-mate niya si Monsour.

SCENE: Ang taos-puso na pasasalamat ni Alfred Vargas sa mga kababayan niya sa 5th District ng Quezon City dahil sa muling pagluluklok sa kanya sa puwesto sa ikatlong pagkakataon.

SEEN: Biktima sina Lani Mercado at Bong Revilla, Jr. ng mga hater na nag-aksaya ng panahon para i-photoshopped ang litrato nila na kuha nang magkasama sila na bumoto sa Bacoor City noong May 13, 2019. Pinalabas na naka-middle finger ang mag-asawa habang ipinapakita ang index fingers nila na may indelible ink.

JV EJERCITO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with