Maraming celebrity nanguna sa pagboto!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2019 - 12:00am

Hindi nagkulang ang maraming artista sa panghihikayat na bumoto kahapon. Umaga pa lang, ginamit na nila ang social media platforms para paalalahanan ang kanilang followers na bumoto ( ng tama.)

Kabilang sa mga naunang bumoto at nanawagan ay sina Anne Curtis, Dingdong Dantes, Angel Locsin, Heart Evangelista, Gary Valenciano, Robin Padilla, Mariel Rodriguez, Toni and Alex Gonzaga at Matteo Guidicelli.

Pinakita nila ang ebidensiya na bumoto sila (index finger with indelible ink) kasabay ng paalala sa lahat ng followers nila.

At malalaman natin sa mga susunod na araw kung umepekto ba ang panawagan ng mga influencer o wala lang, ganun pa rin.

O kung ano ba talaga ang impluwensiya ng social media sa pagboto? Marami kasing mga kandidato lalo na sa national position ang dumepende sa social media.

Pero ang medyo parang mainit ang na­ging ‘laban’ ay si Sharon Cuneta na nagalit nang malamang nilayasan ang kapatid niyang kumakandidatong mayor ng ka-ticket nito. Nanghingi naman ng pasensiya ang actress na bida ng pelikulang Kuwaresma na ipapalabas na sa mga sinehan, simula bukas, Miyerkules.

Para ngang patung-patong ang pinagdaraanan ni Ms. Sharon dahil sa kandidatura ng kapatid at ang tapatan ng pelikula niya at pelikula nina Julia Barretto and Gerald Anderson bukas sa takilya.

Actually, parang bad timing ang playdate na May 15 dahil nga abala pa ang lahat sa paghihintay sa result ng botohan lalo na yung nasa national position sa local, siguradong alam na ang mga nanalo. Kaya baka mas maging abala ang marami sa paghihintay sa resulta ng halalan.

Nag-edit naman si Ms. Korina Sanchez ng kanyang birthday post for Mar Roxas. “Honey, bilib ako sayo! (tiniis mo lahat ng demonyo sa paligid mo;) And i am in awe at what you’ve accomplished and contributed to the poor and to this country, ang dami; am very proud of you that you carried on and did the work without making a centavo for yourself; am so excited you may get this chance to serve again. I love you. Happy Birthday!#MisisNiMar” ang original post niya pero tinanggal niya ang word na “demons” sa updated post niya.

Gretchen nagpasalamat sa partner sa pagiging ‘blessed!’

Suwerte naman talaga si Gretchen Barretto dahil buhay reyna siya sa pi­ling ni Tonyboy Cojuangco. Kaya kahit anong panlalait ang abutin niya, hindi na siya apektado.

Nung Mother’s Day ay nagpasalamat siya sa kanyang dada (Tonyboy). May anak silang dalaga, si Dominique na graduate sa isang prestigious school of fa­shion sa London.

“My piece of heaven @dominique I Thank da­da Tony ) for being a perfect father to our little one & to manang patty I would not be this kind of mother if not for tony who is a hands on father & the great provider, i was blessed to be able to retire from work & be a full time mom, i experienced the joy of motherhood every step of the way. Today is our special day. Thank you dom , if not for you I wouldn’t feel complete, i would not be a mom,” post ng inactive actress sa kanyang IG account.

Hindi man active si Gretchen sa showbiz, hot item naman ang post niya dahil may halong controversy lalo na ang tungkol sa relasyon nila ni Mr. Cojuangco na matagal na niyang partner.

K drama na Sky Castle pinagtatalunan kung totoo

Ibang klase ang Korean drama na Sky Castle.

Kuwento ito ng mayayamang pamilya na nakatira sa Sky Castle na ang nasa isip lang ay makakapasok sa mga top universities sa Korea ang mga anak.

Gagawin nila ang lahat para lang maging doctor ang mga anak at matupad ang mga plano nila sa  kahit pa ayaw ng mga ito.

Umabot pa sa may mga nagpapakamatay na dahil hindi kinakaya ang stress at pressure ng kanilang mga magulang para gawin ang gusto nila.

Parang totoong-totoo ang kuwento na wala na silang ibang gustong gawin kundi ang ma-kapag-eskuwela ang mga anak sa mga sikat na unibersidad.

Marami pang sub plot na mas nagpapa-excite sa kuwento ng Korean drama na naging controversial din sa Korea.

Glaiza bibida sa pelikulang My Letters To Happy

Pinalabas na ang teaser para sa upcoming big screen project ng Kapuso artist na si Glaiza de Castro na My Letters To Happy! Gumaganap si Glaiza bilang Happy, isang masayahing babae na makikilala online ng karakter ni TJ Trinidad.

Ikinatuwa naman ng fans ni Glaiza ang pagbahagi ng aktres ng teaser sa social media pages niya. Marami ang nagsabi na matagal na silang nag-aabang para rito!

Matagal-tagal na ring hindi napapanood si TJ sa pelikula.

GMA pina-bongga ang coverage

Sosyal ng coverage ng GMA 7 sa Election 2019 kahapon. Very CNN ang ginamit nilang 360-degree news set kung saan bumida ang dalawang Barco video walls, LED floor, LED video wall, at siyam na LFD monitors. Meron din silang augmented reality executions sa mga update sa ginanap na botohan kahapon.

ANGEL LOCSIN DINGDONG DANTES GARY VALENCIANO KORINA SANCHEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with