Hunk actor na gym lang ang bisyo, umaagos ang tinatanggap na grasya
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2019 - 12:00am

Maagang natutong humawak ng pananalapi ang isang guwapong hunk actor. Marunong siyang magtipid, hindi niya naman pinag­dadamutan ang kanyang sarili at ang pamilya niya, pero nasa ayos ang paglalabas niya ng pera.

Kuwento ng aming source, “Marunong siyang magpahalaga sa pinagpapaguran niya. Hindi nga naman niya pinulot lang sa kung saan ang milyones na meron siya ngayon.

“Palagi siyang pagod at puyat, kinakaya niya ang work load niya, kasi nga, marami siyang pinapangarap sa buhay. Hindi naman kasi siya galing sa buena familia sa probinsiyang pinanggalingan niya,” unang kuwento ng aming impormante.

Hindi madali ang pag-abot ng guwapong hunk actor sa tagumpay, back-up dancer lang siya nu’n ng isang pamosong aktor na alaga ng kanyang ma­nager, nagtiis siya nang mahabang panahon na nasa likuran lang ng male personality.

Patuloy ng aming source, “Pero kahit pabarya-barya lang ang kinikita niya, e, nag-iipon na talaga siya kahit nu’n pa man. Maingat na siya sa paggastos.

“Alam niya na kailangan niyang magsikap para maabot ang mga pangarap niya. Hanggang sa nabigyan na nga siya ng magandang opportunity ng isang network.

“Nakilala siya, itinambal siya sa mga sikat na female personalities, du’n na nagsimulang mabuo nang unti-unti ang mga pangarap niya. Lalo na nu’ng sumikat ang loveteam nila ng isang sikat na young actress, du’n na nagsimulang umagos ang grasya papunta sa kanya,” kuwento ng aming source.

Ngayon ay maginhawa na ang buhay ng pamilya ng guwapong hunk actor. Inuna niyang ayusin ang kabuhayan ng kanyang pamilya sa probinsiya, may mga negosyo na sila du’n ngayon, maliliit na business lang ‘yun pero maaasahan na sa panggastos sa araw-araw.

“Marami na siyang nabibiling properties, wala kasi siyang bisyo, gym lang ang kinahihiligan niya. ‘Yun ang maganda kapag walang bisyo ang artista, may kahihinatnan ang pagsisikap nila.

“Masaya rin ang lovelife niya ngayon, maayos ang relasyon nila ng isang magandang female persona­lity, magaling na siyang actor, ma­buting boyfriend, e, dakila pa siyang son,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mr. Fu ka-join na, Take It... Per Minute ginagawang pantanggal ng lungkot

Siguradong magiging mainit ang episode ngayong tanghali ng Take It... Per Minute. Humigit-kumulang ay meron na tayong ideya kung sinu-sinong pulitiko ang papalapit na sa tagumpay lalo na sa lokal na labanan.

Makakasama na namin ni Manay Lolit Solis ngayon si Mr. Fu, malaking karagdagan sa aming show ang comedian-TV host-radio deejay, dahil marami ring kuwentong nakaimbak ang intrigerong si Mr. Fu.

Ilang episode pa mula ngayon ay mapapanood na ang Take It... Per Minute sa Cignal One PH. Nasa mainstream na nga ang talk show na unang pagkakataon naming pinagsamahan ni Manay Lolit.

Sabi ng isang kaibigan naming propesor, “Aware ba kayo ni Manay Lolit na ang buhay n’yo pa lang dalawa bilang mga reporters, e, pambenta na ng FB show n’yo?

“Bilang mga kolumnista, ‘yung diretso n’yong pagko-comment tungkol sa mga artista, pambenta na ‘yun! Kayo pa namang dalawa, walang gray area sa inyo, walang in between, itim at puti lang ang kulay na alam n’yo!

“May show bang tulad ng sa inyo na ibinubuking n’yo kung sinu-sinong artista ang bading? Pinapangalanan n’yo sila! May gumagawa ba ng ganu’n kundi kayo lang!” humahalakhak na komento ni prop na numero unong tagasubaybay ng Take It... Per Minute.

At paulit-ulit po naming ipinaaalala na wala kayong ibang dapat gawin para mapanood ang Take It... Per Minute kundi ang i-like at i-follow lang ang Pilipino Star NGAYON Facebook page.

Sa mga kababayan po nating tumututok sa programa mula sa iba’t ibang sulok ng mundo, bitamina namin ni Manay Lolit Solis ang pagsasabi n’yo na kami ang nakapagtatanggal ng inyong lungkot, na kami ang nagpaparamdam sa inyo na nasa Pilipinas lang kayo, maraming-maraming salamat po sa inyong masarap na suporta.

Kitakits po tayo mamayang alas dose nang tanghali sa Take It... Per Minute kasama na ang nagpasikat ng litanyang “Me ganu’n!” na si Mr. Fu!

MR. FU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with