Enchong
Enchong may payo para maging totoong gentleman
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2019 - 12:00am

Kahit nakararampa sa entablado nang nakahubad ay aminado naman si Enchong Dee na nagkaroon siya ng insecurities sa katawan noong kanyang kabataan. “When I was younger pero lahat naman yata ng mga bata pinagdadaanan ‘yon na meron ka talagang baby fat. Pero I’ve been active ever since. So it was easy for me at the same time. When I was a kid, mga eight or nine years old, meron akong bilbil dati talaga. Now proud ako na wala na siya masyado,” natatawang pahayag ni Enchong.

Para sa binata ay malaki na ang ipinagbago ng mga kalalakihan sa henerasyon ngayon. “I think masculinity now is from all walks of life. Kumbaga ‘yung understanding natin ng gentleman na-stuck sa image ni James Bond for the longest time. We’re not discounting on that understanding but at the same time every generation has a certain diversity. There’s a certain variation of being a lady and being a gentleman. Kaya ‘pag nakita n’yo lahat ng mga models ngayon, it’s different di ba? We cater to all, no matter what color you are. No matter what gender you are, no matter what religion you are. It’s all different now. There’s acceptance and there’s variation,” paliwanag ng aktor.

Ayon pa kay Enchong ay hindi dapat sa panlabas na kaanyuan lamang maipakita ng isang lalaki ang pagiging gentleman. “A modern gentleman definitely has kindness. ‘Yung marunong kang makisama kahit mababa man ‘yung katayuan ng isang tao or malayo man ‘yung naabot ng isang tao. It doesn’t matter as long as you know how to treat them properly and treat them with kindness,” pagtatapos ni Enchong.

Yeng at Erik first time magsasanib-puwersa

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama sa isang major concert sina Yeng Constantino at Erik Santos. Gaganapin sa May 22 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila ang Extraordinary concert ng dalawa.

Ayon kina Yeng at Erik ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang nasabing show dahil magkaiba ng genre ang kanilang ginagawa pero ngayon ay magsasanib-puwersa ang dalawa. “Si Erik po kasi, hindi po alam ng maraming tao na magkaibigan po talaga kami. So no’ng naghahanap kami ng mga show na magpo-promote, we are really friends and talagang kapag si Erik ang ka-duet ko, sinasabi ko sa kanya, ‘I feel so alive.’ Kaya kahit magkaiba kami ng genre, kapag kumakanta kami together, it’s just so wonderful. Saka sa akin magandang experience po ‘yon,” nakangiting pahayag ni Yeng.

“At saka ‘yung maganda kasi, ‘yung pop ballad at pop rock ay ipagme-marry mo. So that’s what makes it different and extraordinary,” dagdag naman ni Erik.         (Reports from JCC)

ENCHONG DEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with