Sharon
Sharon naghihimutok sa tapatan nila nina Julia at Gerald!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2019 - 12:00am

Paano na lang daw ang pelikulang Pilipino

Pagkatapos bumoto ngayong araw, dadagsa na tiyak ang mga Sharonians sa premiere night ng pelikulang Kuwaresma ni Sharon Cuneta na dinirek ni Erik Matti para sa Reality Films.

Mamayang gabi ang premiere night na gaganapin sa SM Megamall na kailangang daluhan ni Sharon dahil gusto naman daw niyang makasama ang fans na panoorin ang pelikula niya.

Sa totoo lang, napagod na rin daw si Sharon sa sunud-sunod na ginagawa niya. Kaya itong premiere night lang talaga ang puwede niyang daluhan.

May mga block screenings na kasing naka-schedule na in-organize ng fans at close friends niya.

Gusto man daw niyang daluhan, hindi na raw niya talaga kakayanin dahil gusto na niyang magpahinga.

Sobrang napagod na rin daw kasi ang Megastar dahil sa sunud-sunod na ginagawa niya at sa gitna ng promo ng pelikula, isinisingit pa niya ang pangangampanya sa kuya niya sa Pasay City.

Kaya nung nag-promote ito sa radio program ng close friend niya at anak-anakan na si Noel Ferrer ang Level Up, Showbiz Saturdate nung isang gabi, inamin niyang nasa punto na raw siya nang pagka-burnout.

“I am that point now,” seryosong sagot ng Megastar.

“Because shooting of Kuwaresma started, I haven’t rested, dahil I had three days, four days, before embarking on my forty-day US and Canada.

“When I got home I had another three or four days before going back to Baguio to finish Kuwaresma. Right after that, we dove straight in promo,” dagdag niyang pahayag.

Kaya pagkatapos ng Kuwaresma, gusto na raw muna niyang magpahinga pa.

Ang dami niyang naihingang sama ng loob at disappointments nang mag-guest ito sa radio program ni Noel nung Sabado nang gabi.

Nabanggit niya ang tungkol sa nangyari sa pagtakbo ng kapatid niya, pero hindi lang muna puwedeng i-discuss sa ngayon dahil araw ng halalan.

Ang isa pang ikinalungkot ni Sharon ay ang pagtatapat nila ng showing ng pelikula nina Julia Barretto at Gerald Anderson, ang Between Maybes sa May 15.

Aminado naman si Sharon na sobrang love niya si Julia, kaya masama raw talaga ang loob niyang pinagsabay sila ng showing.

“Masama ang loob ko bakit kasabay ko si Julia?” himutok ni Sharon.

“Hindi naman niya kasalanan…hindi namin kasalanan na lalabas. Kasi dapat nagsusuportahan ang mga pelikulang Pilipino.

“Ako, I tell them meron pa bang mga horror na lalabas. Basta kung kakayanin nyo lahat panoorin nyo, kasi pelikulang Pilipino.

“Kung hindi, puro Hollywood movies na lang ang maaasahan nyo. Wala na tayong sariling atin, paano na kami?

“Paano na ang mga workers sa pelikula? Ang dami na ngang walang trabaho ngayon eh di ba?” dagdag niyang pahayag.

Kung ano man ang magiging resulta ng Kuwaresma, gusto pa rin ni Sharon na gumawa ng pelikula.

Nag-commit siya ng isa pang pelikula sa Reality, at makikipag-meeting pa raw siya kay Mother Lily Monteverde para sa Regal Films, at may gagawin pa raw siya sa Viva at Star Cinema.

Gusto raw sana niyang makatrabaho uli si Judy Ann Santos at pati ang bestfriend din niyang si Lorna Tolentino.

Sana makagawa rin daw siyang kasama si Vilma Santos, Maricel Soriano o si Nora Aunor.

Gwen iba ang feeling  sa pagpapakasal kay David

Hindi pa naman napaplano ng magkasintahang David Semerad at Gwen Zamora ang wedding nila, pero naisip na raw nilang gusto sana nilang sa Boracay sila magpapakasal.

Pero baka maghintay pa raw ng another year bago nila ito planuhin dahil pagkatapos niyang manganak sometime on August, magpapapayat pa raw siya at siyempre alagaan pa ang baby saka nila planuhin ang wedding.

Hindi maiwasang matanong kay Gwen ang muntikan niya sanang wedding kay Jeremy Marquez noon. Hindi lang ito natuloy dahil nga sa may problema pa pala sa annulment ni Jeremy sa unang asawa.

Hanggang sa naghiwalay sila at sobrang saya na raw ngayon ni Gwen dahil iba raw talaga itong sa kanila ni David.

“Puro excitement eh, because iba talaga yung feeling ko this time.

“Iba yung happiness ko. Iba rin yung happiness na nararanasan ng mga friend ko, family ko. They’re all happy for me,” pakli ni Gwen.

May nabi-visualize na raw siyang wedding na gusto niya, at perfect nga raw sa Boracay dahil doon talaga nabuo ang mga maganda nilang relasyon ni David.

“Dun din kasi na-conceive yung baby namin,” pakli ni Gwen.

Pero wala pa raw talagang detalye.

Mas iniisip pa nila ngayon ang mga kukunin nilang ninong at ninang para sa kanilang magiging baby na si Cooper John.

“Meron na talaga kaming gustong kunin, pero hindi pa talaga nakumpleto,” sagot niya sa amin.

Thankful lang ang aktres dahil sobra ang pag-alalay sa kanya ni David at all-out ang suporta ng pamilya nila at mga close friend.

ERIK MATTI SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with