Vhong
Vhong sinusuwerte, Pia nakuha na rin!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2019 - 12:00am

Mukhang swerteng taon ngayon ni Vhong Navarro. Kasalukuyan pa siyang umaarangkada bilang isa sa mga host ng It’s Showtime na kung saan ay pumapantay siya sa mga kasamahan niya, lalo na kay Vice Ganda, sa batuhan ng jokes, and mind you, hindi niya siya napag-iiwanan.

It seems na-master na rin ni Vhong ang pagpapatawa without losing his sex appeal. Katunayan, mas maraming kababaihan ang kinikilig sa kanya dahil sa kanyang sense of humor. Hindi rin siya pakakabog kay Billy Crawford sa sayawan. Ngayon mas lalong lumalabas ang maraming taon na ginugol niya kasama ang Streetboys.

Si Vhong ay nanatili sa kanyang pagpapatawa na naging dahilan marahil kung bakit kasama siya ngayon sa bagong episode ng Home Sweetie Home na si Toni Gonzaga na lamang ang nalalabi sa original cast. Sa malas, iiwan na rin ni Vhong pansamantala ang kanyang pagi­ging Mang Kepweng at  sasabak sa isang romcom kasama ang dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach. Hindi lamang ang mga kasamahan ni Vhong sa IS ang excited sa bago niyang project kundi maging si Pia rin  na excited sa bago niyang leading man.

Erich mag-aaral ng Mandarin

Matagal ding nawala at hindi narinig si ­Erich Gonzales. Mabuti na lamang at maganda ang naiwan niyang alaala sa ginawa niyang pagganap sa unang action film niya na We Will Not Die Tonight, nagmarka sa manonood ang kagalingan niya bilang artista. May bago siyang movie na sa China iso-shoot. Kailangan niyang matutong magsalita ng Mandarin para sa bago niyang proyekto. Kasabay ng pagsulpot niya ay may bitbit siyang isang Silver Button Award na ipinagkaloob sa kanya ng YouTube dahil sa pagkakaro’n niya ng 6M collective views. May kabutihan din siyang napala habang naghihintay ng susunod niyang assignment.

Pagbubuntis ni Mariel maraming pinasaya

Tinanggap ng maganda at masaya ng mga kasamahan ni Mariel Rodriguez ang ibinalita nito na tatlong buwan siyang buntis sa pangalawang anak nila ni Robin Padilla. Naalala pa nang mabigo itong dalhin ng siyam na buwan sa kanyang sinapupunan ang panganay sana nila ng action star na triplets pa. ‘Yun pala ay agad itong papalitan ng Diyos. Iilang taon pa lamang ang panganay nilang si Isabella pero, magiging ate na agad ito bago pa mag-Pasko. Isang malakihang selebrasyon ito sa pamilya Padilla.

VHONG NAVARRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with