^

PSN Showbiz

LT ayaw na uling mag-asawa

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
LT ayaw na uling mag-asawa
Tori

SEEN: Ngayon ang araw na pinakahihintay ng mga kandidato para sa midterm polls. Walang plano na lumabas ng bahay ang karamihan sa mga artista na kandidato dahil mananatili lamang sila sa kanilang mga tahanan para abangan ang resulta ng halalan.

SCENE: Maging singer ang pangarap ni Tori, ang nag-iisang apo ni Lorna Tolentino. Ayaw sundan ni Tori ang yapak ni Lorna bilang aktres. Mahilig na rin sa make-up ang 7-year-old granddaughter ni Lorna. Pinakikialaman pa rin niya ang make up kit ng kanyang lola. Nagsalita na rin ng tapos si Lorna  sa presscon ng Beautederm noong Sabado na hindi na siya magmamahal muli. Sa June 7, 2019, 11 taon na siyang biyuda mula nang pumanaw ang kanyang asawa na si Rudy Fernandez noong 2008.

SEEN: Pinasalamatan ni Cherie Gil ang lahat ng mga bumati sa kanya kahapon ng Happy Mother’s Day at para sa mga nagpara­ting ng birthday greetings, ipinaalaala ng aktres na June 21 ang petsa ng kaarawan niya.

SCENE: Ipinagdiwang ni James Reid ang kanyang 26th birthday noong May 11 na kaarawan din ni Yassi Pressman. Matalik na magkaibigan ang dalawa at two years older si James kay Yassi.

SEEN: “Naglagare” si Coco Martin noong Sabado nang gabi dahil pinuntahan niya nang personal ang miting de advance ng mga kandidato na kanyang sinusuportahan. As expected, dinumog at pinagkaguluhan nang todo si Coco sa mga miting de avance na kanyang dinaluhan.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with