Taggutom days ng male personality maraming saksi!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2019 - 12:00am

Nagbalik-alaala ang magkakatropang taga-showbiz, ang bumibida sa kanilang pagto-throwback ay ang male personality na bagitong artista pa lang nu’n, nakikipagsuntukan pa siya sa buwan para sa katuparan ng kanyang pangarap na sumikat.

Madalas silang magkakasama, sumasabit sa kanilang mga lakad ang bagitong aktor, alam na alam ng tropa ang mga kuwento ng kanyang nakaraan.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Naku, wala siyang maitatago sa amin. Barya-barya pa lang ang laman ng bulsa niya, e, kilalang-kilala na namin siya!

“Kapag may pupuntahan kami nu’n, e, sumasama siya sa amin, napakadali niyang hilahin kahit saan. Siyempre, kami ang taya sa lahat ng lakad namin, walang-wala pa kasi siya nu’n, wala pang perang buo sa bulsa niya, puro barya-barya pa lang!” simulang kuwento ng aming impormante.

Hanggang sa nadikit na raw ang bagitong aktor sa isang taong makapagbibigay ng katuparan sa pangarap niyang sumikat. Nagkaroon na siya ng mga pelikula, bigay-todo ang male personality, gusto talaga niyang abutin ang tagumpay sa anumang paraan.

Patuloy ng miron, “Wala siyang tinatanggihang pelikula. Kahit anong project, go lang siya nang go! Kesehodang makita na ang buong kahubaran niya, e, wala siyang pakialam!

“Ganu’n siya katindi nu’n para lang sumikat siya at magkapera. Kaya niyang gawin ang lahat-lahat, ipupusta niya pati ang buhay niya, nasaksihan namin ang taggutom days niya,” sabi uli ng source.

Ang lahat ngayon ay puro alaala na lang. Natupad na kasi ang mga pangarap ng male personality. Sikat na siya at milyun-milyon na ang kinikita niya ngayon.

Isang source sa umpukan ang nagsabi, “Masaya kami siyempre sa naging resulta ng mga pagsisikap niya. Talagang nakita naman namin kung gaano niya kagustong maging successful.

“Sana lang, e, palagi niyang babalikan ang pag-uumpisa niya para hindi siya madala ng popularity niya ngayon. Gamitin niya sa tama ang panahong ito dahil hindi naman siya nakasisiguro kung hanggang kailan ‘yun.

“Ilapat niya ang magkabila niyang paa sa lupa, huwag siyang magpapaapekto sa kayamanang meron na siya ngayon, dahil baka bumalik siya sa dati na barya-barya lang ang laman ng bulsa niya.

“Maging totoo siya sa publiko, huwag siyang magyayabang, baka kasi magtampo sa kanya ang grasyang nasa mga palad na niya ngayon,” pagtatapos ng source.

Ubos!

John Lloyd napagkamalan  ng PSG!

Nakakatawa ang kuwento, pero sumusumpa ang aming source na totoong-totoo, napagkamalan pala ng mga PSG sa Malacañang na si Anthony Castelo si John Lloyd Cruz nu’ng duma­ting sa Palasyo.

Iniradyo pa raw ‘yun ng isang PSG sa loob, “Positive na rin si Anthony Castelo, papasok na siya d’yan.”

Kahit nga si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi nakakilala kay JLC, nanibago raw ang pa­ngulo sa balbas at bigote ng magaling na aktor, kaya hindi nito nakilala.

Sa paglalarawan ng mga nakakita kay John Lloyd ay mukha na siyang ermitanyo. Naalala nilang bigla ang Hapon na si Onoda na ilampung taong nanirahan sa bundok.

‘Yun ang piniling maging itsura ngayon ni Lloydie, siguro ay ninanamnam lang niya ang pagkakataong magawa ang kanyang gusto, na hindi niya nagagawa nu’ng aktibo pa siya sa pagharap sa mga camera.

Gusto niyang magpahaba ng buhok ay hindi puwede, may continuity pa ang kanyang mga eksena, hindi rin siya makapagpahaba ng balbas at bigote dahil clean guy ang papel na ginagampanan niya sa pelikula.

Kinasabikan niya ang ganyang itsura, ‘yung walang magbabawal sa kanya na huwag magpahaba ng buhok, maging ang magkaroon ng bigote at balbas na para na siyang ermitanyo.

Isang bagay lang naman ang pinakamahalaga. Masaya si John Lloyd Cruz ngayon. ‘Yun lang ‘yun.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with