Alex
Alex hindi na takot sa masasakit na salita!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2019 - 12:00am

Bilang isang YouTuber ay sanay na sanay na si Alex Gonzaga sa mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya ng mga netizens. Kahit marami ang natutuwa sa mga ginagawa ng aktres sa kanyang YouTube channel ay may ilang bashers din ang pumupuna rito.

“Minsan ‘pag sobrang dami nang pumupuri sa ‘yo, parang maghahanap ka ng isang masakit (na komento). Kasi ‘pag sobra kang nasanay na puro ka papuri, isa lang magsabi sa ‘yo ng masakit, bothered na bothered ka na. Nabalewala na ‘yung ten messages na maganda sa ‘yo,” paliwanag ni Alex.

Aminado ang aktres na naaapektuhan pa siya noon kapag may nababasang masasamang komento tungkol sa kanyang video kaya binubura pa kaagad ang mga komento. “‘Napag-iwanan ka na,’ ‘Never kang sisikat.’ So ngayon sabi ko, alam ko na ‘yung gagawin ko, babasahin kita nang babasahain hanggang ‘yung words mo maging words na lang and wala na siyang meaning sa akin,” giit ng dalaga.

Nagbigay ng payo si Alex para sa lahat ng nakararanas ng online bashing mapa-artista man o ordinaryong tao. “Dapat huwag kang maging afraid na makarinig ng criticisms at struggles mo in life. Kasi sa buhay mo hindi matatapos ‘yon. Sa buhay, forever may struggle, it’s just how you go through it,” pagtatapos niya.

Pia mauusog ang paglipat  sa bagong bahay

Masayang-masaya si Pia Wurtzbach dahil malapit nang makalipat sa bagong bahay na kanyang naipundar. Para sa Miss Universe 2015 ay produkto ito ng lahat ng kanyang mga pinaghirapan sa loob ng ilang taon. “All the hard work has finally paid off. So I’m excited to share everything with you guys soon. So baka mapu-push back lang ang moving in date ko,” nakangiting pahayag ni Pia.

Ngayong araw ay ipinagdiriwang ang Mother’s Day kaya naman isang simpleng selebrasyon ang planong gawin ng beauty queen para sa ina. “My mom has really simple joys in life, ‘yung mga seafood, ‘yung mga paborito niyang pagkain. So most probably I’ll treat her,” pagbabahagi ng dalaga.

Samantala, kamakailan ay napabalitang isang bagong pelikula ang gagawin ni Pia kung saan ay si Vhong Navarro naman ang kanyang makakasama.

Ayon sa beauty queen-actress ay pinaghahandaan na niya ang proyektong ito. “Now I’m working on a movie with Black Sheep with Vhong Navarro. We’re going to start shooting really soon. It’s a dark comedy, very interesting,” pagtatapos ni Pia. (Reports from JCC)

ALEX GONZAGA PIA WURTZBACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with