^

PSN Showbiz

Kuwaresma at Between... sabay sa takilya!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Kuwaresma at Between... sabay sa takilya!
Sharon

SEEN: Sa May 15 pa ang 32nd birthday ni Jennylyn Mercado pero binigyan na siya ng asalto ng kanyang fans, co-stars at production staff sa taping ng Love You Two noong Biyernes, May 10.

SCENE: Ang “biglaan” na playdate sa May 15 ng Between Maybes, ang pelikula nina Gerald Anderson at Julia Barretto na makakatapat ng Kuwaresma, ang horror movie ng Rea­lity Entertainment na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta.

SEEN: Sina Snooky Serna at Martin del Rosario ang featured guests sa Driver and I, ang episode ng Dear Uge na mapapanood ngayong hapon sa GMA 7. Si Martin ang gumaganap na driver ng masungit na karakter ni Snooky sa Sunday comedy anthology ni Eugene Domingo.

SCENE: Ibinalita ni Harlene Bautista na last shooting day ng In The Name of the Mother sa May 14. Si Snooky Serna ang lead actress ng pelikula na balak isali ng Heaven’s Best Entertainment sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019. Kinakapatid ni Harlene si Snooky dahil ninong niya sa binyag si Von Serna, ang pumanaw na ama ng aktres. Si Von ang unang tumawag kay Harlene ng Bebs at mula noon, ito na ang naging palayaw ng producer ng Heaven’s Best Entertainment producer.

SEEN: Babalik sa Pilipinas sa June 6 ang Blackpink para sa fan meet nila sa SM Samsung Hall, BGC, Taguig City. Ang Blackpink, ang sikat na Korean girl group na malakas ang hatak sa Filipino fans.

SCENE: Sa May 24 ang launch ng cover version ni Matteo Guidicelli sa Sundo, ang kanta na pinasikat ng Filipino rock band na Imago noong 2006. Ang Sundo ang unang single ni Matteo sa Viva Records.

SEEN: Ang Porto, Portugal ang pinuntahan nina Anne Curtis, Marco Gumabao at ng mga co-star nila nang magkaroon sila ng break sa shooting ng Just A Stranger sa Lisbon. Mahigit sa tatlong oras ang bus ride mula Lisbon hanggang Porto, isa sa mga pinakamaganda na lugar sa Portugal na dinarayo ng mga turista.

vuukle comment

BETWEEN MAYBES

KUWARESMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with