Aktor sinusumpa-sumpa ng anak na winalanghiya
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2019 - 12:00am

Maligalig pala talaga ang personal na buhay ng isang kilalang male personality. Hindi pala siya masaya sa buhay, pati ang mga sarili niyang anak ay walang amor sa kanya, may pinagmumulan ‘yun kung bakit.

Nu’ng kasagsagan ng popularidad ng male personality na meron naman siyang maibibigay ay nagdamot siya, wala siyang pakialam sa mga pangangailangan ng kanyang mga anak, kaya ngayon ay mukha siyang ewan kapag kinukumusta siya sa mga anak niya.

Kuwento ng aming source, “’Yung mga anak niya sa ibang bansa, talagang lumayo na nang husto sa kanya ang loob. Kapag nagpupunta nga sa house nila ang male personality, e, parang stranger ang dumating.

“Parang ewan siya, ni hindi kinakausap ng mga anak niya, natutulog siya sa basement kasama ang mga nakatambak na kagamitang patapon na!

“May reason naman kasi ‘yun. Humawak siya nang napakalaking halaga nu’ng halos wala na siyang pahinga sa katatrabaho, pero kahit singkong duling, e, hindi niya man lang naalala ang mga anak niya.

“Masisisi ba natin ang mga bata kung ganu’n ang turing sa kanya? Nababalitaan ng mga anak niya na milyunan siyang magpatalo sa sugal, pero kahit pambili lang ng napkin para sa menstruation, e, hindi niya man lang naalala ang mga anak niya?

“Kapag hindi na niya inalagaan ang pamilyang meron siya ngayon, e, tatanda siyang mag-isa! Walang anak na kukupkop sa kanya, promise!” unang kuwento ng aming impormante.

Nagtatrabaho na ngayon ang isa pang anak ng kilalang male personality na pinabayaan niya nang literal. Napakaagang nag-working student ng dalaga para may magastos sa kanyang pag-aaral.

Kuwento uli ng aming source, “May hindi makakalimutan ang anak niyang ‘yun na ginawa sa kanilang mag-ina ng father niya. Naputulan sila ng kuryente, wala na silang mautangan, kaya kasubuan na, tumawag ang anak sa daddy niya.

“Nu’ng sabihin ng anak kay tatay ang problema, e, malapit nang hima­tayin ang girl. Ang sabi sa kanya ng male personality, ‘Kung naputulan man kayo ng kuryente, e, problema n’yo na ‘yun! Baka naman kasi may pa-aircon-aircon pa kayo, e, wala na nga kayong perang pambayad? Hindi pa naman siguro putol ang mga kamay n’yo, magpaypay kayo!’

“Hinagulgulan ‘yun ng anak ng male personality, hinding-hindi niya makakalimutan ‘yun, lalo na ang paghagulgol ng mommy niya,” napapailing na sabi ng aming impormante.

At may pahabol pa ang aming source, “Kunsabagay, hindi naman maligaya ang male personality sa buhay na meron siya ngayon. Pera-pera na lang kasi ang laban niya sa buhay.

“Ang tingin niya kasi sa tao, e, parang yosi na kapangalan niya. Matapos hithitin at gamitin, e, itinatapon na lang niya. Kaya wala siyang mga tapat na kaibigan, hindi rin kasi siya totoong tao!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mainstream na..Take It... Per MINUTE solid ang saya at bukingan...

Sa unang episode pa lang ng digital show namin ni Manay Lolit Solis ay napakarami nang nag-text at tumawag sa amin. Dapat daw ay nasa mainstream na ang Take It.. Per Minute.

Napakasarap namnamin ng kanilang mga komento, lalo na mula sa mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibat ibang bahagi ng mundo, pangtanggal daw nila ng stress at lungkot ang Take It... Per Minute.

Isang season na kami sa darating na Martes, kahit papikit ay kabisado na ng mga kababayan natin ang Pilipino Star NGAYON Facebook Page, tuwing Martes, mula alas dose hanggang ala una nang hapon ang kinaaaliwan nilang digital talk show.

Magkakatotoo na ang komento ng aming mga tagasuporta, nag-pictorial na kami ni Manay Lolit at ng bagong dagdag na si Mr. Fu sa Take It... Per Minute nu’ng nakaraang Biyernes nang hapon, malapit nang mapanood ang aming talk show sa Cignal One PH.

Sa totoo lang naman, sa suportang ibinibigay sa amin ng pamunuan ng Pilipino Star NGAYON ay wala na kaming mahihiling pa, para lang kaming naglalaro sa programa dahil solido at masaya ang aming grupo.

Pati ang mga taga-Obra Ni Nanay sa pangunguna ni Japs Gersin at Tina Roa ay masayang-masaya tuwing Martes nang tanghali dahil sa Take It... Per Minute na milyun-milyon na ang sumusubaybay ngayon.

May makagagawa ba ng kakaibang atake ni Manay Lolit na habang umaandar ang show ay aligaga sa paghanap ng mineral water na inilagay lang daw niya sa tabi niya pero bakit hindi na niya makita?

Naku, Salve Asis, sa Take It... Per Minute lang nagaganap ang ganu’n, pati ang pambubuking ni Manay Lolit sa aming mga blind items, nakakaloka talaga ang ating programa!

Ha! Ha! Ha! Ha!

TAKE IT.. PER MINUTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with