GMA gumastos ng 63 million para sa coverage ng election
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2019 - 12:00am

Handang-handa na ang GMA para sa eleksiyon sa Lunes.

Mapapanood ang kanilang election coverage simula 4:30 a.m. at magpapatuloy hanggang sa May 14 ng 10:00 am.

Pangungunahan ito ng mga haligi ng GMA News na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, Vicky Morales, Arnold Clavio, Howie Severino, at Jessica Soho. Kasama rin nila ang mga news anchor na sina Pia Arcangel, Ivan Mayrina, Rhea Santos, Connie Sison, at Atom Araullo kaagapay ang mga mamamahayag at stringers sa loob at labas ng bansa.   

Gamit ang state-of-the art sa coverage ng Midterm Elections sa kanilang Eleksyon 2019: The GMA News and Public Affairs Special Coverage, ipakikita rin nila ang bagong 360-degree news set ng GMA kung saan bibida ang dalawang Barco video walls, LED floor, LED video wall, at siyam na LFD monitors. Mapapanood din ang augmented reality executions na patungkol sa Eleksyon2019. 

Matatandaang naglaan ang GMA Network ng P63 million para sa pagbili ng mga state-of-the-art equipment at technology upang pagandahin pang lalo ang paghahatid ng balita at impormasyon sa mga manonood nila.

Bukod sa mga ito, tampok din sa kanilang Eleksyon 2019 ang pagsusuri ng ilang mga eksperto at resource person upang tulungan ang publikong mas lalong maunawaan ang kahalagahan ng eleksyong ito sa mga isyung pambansa.

Maghahatid din sila partial at unofficial results para sa mga posisyon sa national at local elections sa oras na ma-transmit ang election returns.

Bago ang araw ng eleksyon, naglabas din ang GMA News Online ng mga impormasyon at tool upang tulungan ang mga botante sa pagpili ng tamang kandidato.  Kasama sa mga ito ang MyKodigo app kung saan ay makakagawa na sila ng sample ballot na puwede nilang i-print sa short bond paper at dalhin sa kanilang precinct; at ang Stand on Issues app, kung saan makikita ng mga botante ang paninindigan ng senatorial candidates sa 11 key issues.

Nakakaloka ito, pati sa coverage ng mga network tiyak pukpukan sa Lunes.

JESSICA SOHO MEL TIANGCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with