^

PSN Showbiz

‘Judgement day!’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Judgement day!�

Sa Lunes na ang Judgment Day para sa lahat ng mga kandidato dahil malalaman na natin ang kanilang mga kapalaran.

How I wish na  mabigyan ng chance ang mga nais na magsilbi, ‘yung bayan talaga ang nasa puso nila at  bukas sa kanilang kalooban ang tumulong sa kapwa.

Ang ganda ng Pilipinas, masarap na mabuhay at mamuhay sa ating bansa.

Kahit sinasabi na marami ang mahirap sa Pilipinas, mabagal ang pag-unlad at  marami ang mga pintas,our country is worth fighting for.

Kahit saan bansa ako magpunta may homeless. Kahit sa USA at Europe, may pulubi. Kahit anong bansa, may corruption, hindi lang sa Pilipinas.

Huwag tayong  maging masyadong judgmental at mapanglait dahil lahat ng bagay puwedeng magbago, hindi habang buhay, ganoon ang sitwasyon.

What we judge now as incompetent, corrupt, or bad, can later on be good and straight dahil puwedeng pag-aralan ang  competence sa pamamagitan ng pagsisimula sa puso.

Kung may nagawa na  pagkakamali, magsisisi at magbago, hayaan natin magtagumpay. Huwag maging righteous na akala mo tayo lang ang tama.

Iboto natin ang nasa puso natin. Huwag tayo padala sa mga trolls na akala mo ubod ng galing at linis. Sundin natin ang gusto ng puso dahil ito ang tama.

‘Happy Mother’s Day’

Masarap ipagdiwang ang Mother’s Day lalo na kung buhay pa ang ating mga ina.

Nakakalungkot  kapag wala ka nang nanay dahil magpa-flash sa mind mo  ang araw na buhay pa siya.

Maraming regrets kapag hindi natin naibigay sa ating mga ina ang ating mga gusto na ibigay sa kanila o nagawa ang mga bagay na gusto natin na gawin para sa kanila.

Inggit ako sa mga tao na demonstrative sa emotions nila sa kanilang mga ina at mga mahal sa buhay.

‘Yung pisikal sila, mahilig yumakap at humalik. May mga tao kasi na hindi demonstrative sa kanilang feelings.

They feel awkward kapag yumayakap at humahalik sa mga mga mahal nila kaya tuwang-tuwa ako kapag nakikita ko na demonstrative at expressive ang mga anak sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.

Importante sa ama at sa mga ina ang halik at yakap ng mga anak nila. Malaking bagay sa mga magulang na ipinapakita mo how you love them, how you treasure them. Masarap ang maging touchy ka kahit paano.

I love seeing boys kissing their dads, embracing their moms, maliit na gesture but it melts your heart.

Dapat pala, i-train ang mga bata habang maliliit pa na humalik at yumakap kapag nag-greet sila sa mga magulang nila para mawala ang  awkwardness.

We will never grow up, forever we will need that maternal touch of our mom so never forget while we are growing old we might be forgetting them, let them grow with us. Happy Mother’s Day to all.

Sinu-sino ba sa mga artista ang demonstrative sa pagpapakita ng pagmamahal sa mga magulang nila?

Si Luis Manzano ang isa sa mga artista na nakita ko na very sweet sa kanyang mga magulang sa tuwing napapanood ko sila sa kanilang mga television guesting.

Very demonstrative rin si Anne Curtis sa pagpapamalas ng kanyang love and care sa nanay at tatay niya.

‘Yung ibang stars naman, hindi demons­trative pero ibinibigay nila ang lahat ng mga pangangailangan ng kanilang mga magulang, dinadala nila sa ibang bansa at higit sa lahat, nagpapakita sila ng respeto sa pamamagitan ng pagiging mabuting anak.

vuukle comment

MOTHER’S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with