Enchong
Enchong, may panawagan sa mga botante
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2019 - 12:00am

Sa Lunes ay gaganapin na ang eleksyon sa buong bansa kaya naman hinihikayat ni Enchong Dee na bumoto ang ating mga kababayan. Para sa aktor ay malaki ang responsibilidad ng mga Pinoy pagdating sa pagpili ng mga kandidatong karapat-dapat na manalo.

“Kailangan nating bumoto kasi everyone will be affected by the person who will win a seat in our government. Akala natin hindi tayo apektado. Akala natin hindi mahalaga ang pagboto. Akala natin hindi naman maha­laga kung sino ‘yung nakaupo. ‘Basta patuloy ang negos­yo natin, basta kumikita ako, maganda ‘yung buhay ko. Basta kumakain ako ng tatlong beses sa isang araw, wala akong pakialam.’ Hindi po totoo ‘yon, lahat tayo apektado. Kasi kapag binoto mo, o hindi ka bumoto, ‘yung mga tao na hindi karapat-dapat para sa bahay (gobyerno) na ‘yon, eh mag­hahasik lang ng lagim. O babawiin niya lahat nang inilabas niyang pera habang nagkakampanya,” paliwanag ni Enchong.

Ayon pa sa binata ay kailangang ma­ging matalino ang lahat ng mga botante at huwag nang iboto pang muli ang mga pulitikong minsan nang nagkamali sa posisyon sa gobyerno. “Dapat siguro makatao ka bago ka maka-Diyos. Minsan kasi ang daming tao na pakitang-tao pero nakakalimutan na tratuhin nang tama ‘yung mga kapwa natin. Ilista mo kung sino ang mga gusto mong iboto. Make sure kung bakit mo sila gustong iboto. Tapos i-eliminate mo na ‘yung mga kandidatong may history ng pagkakamali,” pagtatapos ng aktor.

Jodi mas naintindihan ang akting nang mag-aral ng Psychology

Malaki umano ang naitutulong ng pagiging BS Psychology student ni Jodi Sta. Maria sa kanyang pagiging isang artista.

Ayon sa aktres ay mas nauunawaan niya ngayon kung paano dapat ang atake sa bawat proyektong ginagawa.

“Now that you have a better understanding of human psyche, kapag gagawa ka ng isang role, magagawan mo siya ng back story na justifiable doon sa behavior and actions. Doon sa personality and being ng character na pino-portray mo today,” nakangiting pahayag ni Jodi.

Malapit nang magtapos ang aktres ng kolehiyo pero kahit abala sa pag-aaral at trabaho ay sinisigurong naaalagaan pa rin nang maayos ang anak nila ni Pampi Lacson na si Thirdy. “I set time and make time, and fight for my time for these things that I do. Of course ang number one pa rin diyan ang pagi­–   ging mommy ko kay Thirdy. Kasi ‘yun naman ang top priority,” giit ng aktres.       (Reports from JCC)

ENCHONG DEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with