Marian at baby
Marian ninanamnam ang pag-aalaga sa bunso
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2019 - 12:00am

Kumpleto na ang kaligayahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil sa dalawang supling, ang kanilang three-year-old daughter na si Zia at ang almost one-month old na si Baby Ziggy. 

Pero hindi umano ito nangangahulugan na hanggang dalawang anak lamang sila.

Natutuwa rin sina Dingdong at Marian dahil feel na feel umano ni Zia ang pagiging ate sa kanyang baby brother.

Kung napakaganda ni Zia, sobrang guwapo naman ni Baby Ziggy.

In a couple of months ay handa na muli si Ma­rian na ipagpatuloy ang kanyang trabaho kapag puwede na niyang iwan ang kanyang bunso.

Vote Wisely

Sa Lunes na, May 13 ay halalan na at malalaman na ang magiging husga ng mga botante sa kung sino-sino ang kanilang papaboran para sa labing dalawang slot ng senador, congressmen in their respective districts, partylist representatives, governors, board members, mayors, vice mayors at mga konsehal.

Ngayong araw ng May 11 ang last stretch ng kampanya dahil bukas, araw ng linggo ay pahinga na ang lahat ng mga kandidato at hihintayin na lamang ng lahat ang magiging resulta ng halalan.

Sana, maging mapayapa ang halalan sa buong Pilipinas at sana’y maging mapanuri ang mga botante sa kanilang mga iboboto at huwag magpadala sa magagandang salita ng mga kandidato at lalong huwag ibenta ang inyong mga boto.

Vote wisely.

Federico nagamit ang napag-aralan

Ang 19-year-old naman na si Bianca Umali ang pinakabagong celebrity endorser ng X/S Xcess Salon na pinamumunuan ng young entrepreneur, ang kaisa-isang anak ng yumaong star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno na si Federico Moreno.

With six company-owned at 30 franchise ng Xcess Salon and counting in a span of seven years, nagpapasalamat si Federico sa kanyang management team dahil mabilis ang pag-unlad ng kanyang itinayong negosyo along with other businessman at kasama na rito ang talent management.

Nagamit ni Federico ang kanyang tinapos na Business Management sa Philippine School of Business Administration (PSBA) sa kanyang pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo.

Dahil sa patuloy na paglago ng Xcess Salon, muling kumuha ang nasabing salon brand ng bagong image model sa katauhan ng 19-year-old Kapuso star na si Bianca Umali.

During the contract signing na dinaluhan din nina Federico, inamin ni Bianca na pangarap niyang magkaroon ng sarili niyang franchise ng Xcess Salon balang araw na hindi naman imposible.

Samantala, tiyak na masaya ang ama ni Federico na si Kuya Germs sa kinaroroonan nito ngayon dahil lumaking responsible ang kanyang kaisa-isang anak na nagtatag ng kanyang Moreno Group of Companies. “He prepared me bago siya lumisan,” pahayag pa ni Federico.

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with