Endorsement ni Carla at Barbie nakuha na ni Bianca
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2019 - 12:00am

Hindi ko inakala na ipagpapatuloy ng nag-iisang anak ng namayapang Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno na si Federico Moreno ang legacy sa showbiz na iniwan ng kanyang ama.

Isang entrepreneur si Freddie na nung nabubuhay pa ang kanyang ama ay nagsimula ng negosyong beauty salon na namamayagpag hanggang ngayon at pinatatakbo ng kanyang ex wife at ng pamilya nito. Sa hindi ko alam na kadahilanan ay nagsimulang muli na humawak ng ganitong negosyo ang nakakabatang Moreno at mayro’n nang 36 outlets ang X/C Xcess Salon, anim ang sa kanya at 30 ay hawak ng franchisees. 

Sa Metro Manila pa lamang ito at balak niyang mag-branch out sa Visayas at Mindanao, at sa tulong ng bagong celebrity endorser, ang Kapusong si Bianca Umali, madali niya itong magagawa. 

Bukod sa pagiging isang sikat at mahusay na aktres, maraming itong maeeng­ganyo na ipagkatiwala ang kanilang pagpapaganda sa X/C Xcess Salon na bagaman at maitutu­ring na isang pang mayaman na establishment ay affordable ang presyo na sinisingil.

Katuwang ni Freddie sa pagpapatakbo ng  X/C Xcess Salon sina Matec Villanueva, marketing consultant, Elly Pastor, creative director at Jhoana del Ponso, bus. dev. manager.

Bukod sa pamamahala ng X/C Excess Salon bilang President CEO, isa ring deputy ng MTRCB si Freddie. At tila marami pa siyang panahon in his sleeves dahil balak niyang magtayo ng isang international talent management agency at mag-alaga ng mga local and international artist na may potensyal na sumikat bilang artista, gaya rin ng ginawa ng kanyang ama nung nabubuhay pa ito. Sa rami ng lumalapit sa kanya at humihingi ng tulong para sila maging artista kung kaya minarapat ni Freddie na gabayan din sila, like father like son.  

Isang malaking push din sa karera ni Bianca Umali ang makuhang endorser ng Xcess Salon. Pang-apat na siyang endorser nito, nauna na sa kanya sina Carla Abellana, Ivan  Dorschner at Barbie Forteza. Ma­rami nang pro­duct endorsement si ­Bianca. Kasaluku­yan siyang napapanood sa Sahaya ng GMA na balitang tinatalo ang kanyang kalabang palabas. Bukod dito ay napapanood din siya sa Sunday Pinasaya.

Marami ang hindi nakakaalam na isang artist si Bianca. Nagbabalak itong magdaos ng isang painting exhibit. Maganda si Bianca, bakas sa kanyang mukha ang kanyang kaligayahan na ipinalalagay ng lahat ay dahil maganda ang lovelife niya pero, ayaw niyang aminin.

Salamat…

Salamat kay Konsehal Joe Visaya ng ika-5th District ng Quezon City dahil hindi na ako mahihirapang maghanap ng presinto na kung saan ay makakaboto ako sa Lunes. Mayroon nang dumating na card sa bahay ko na siya mismo ang nagdala at marahil, sa mga kapitbahay ko rin na nagsasabi kung saan ako pupunta para makaboto at kung saan kuwarto ako nakalista. Hindi ko personal na  kilala si Kon. Joe Visaya pero, sa 10 taong paninirahan ko sa North Olympus ay nakita ko’t naramdaman  ang sipag niya sa mga ka-distrito niya, hindi lang sa mga tao kundi sa mga alaga nilang hayop. Mabuhay ka, Joe Visaya.

BIANCA UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with