Beteranong aktres laging yakap ang abo ng dyowa!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2019 - 12:00am

Hanggang ngayon ay palagi pa ring bumibida sa mga kuwentuhan ang isang beteranang aktres na ang galing sa pag-arte ay walang kakuwestiyun-kuwestiyon.

Iiyak ka na lang habang pinanonod mo ang kanyang pagganap, wala ka nang masasabi, dahil talagang pinanday na ng panahon ang pagiging mahusay na artista niya.

Pero may kuwento ang aming source tungkol sa magaling na beteranang aktres, iba-ibang istorya ‘yun ng kanyang mga anekdota, nakakaaliw na nakagugulat ang mga kuwentong ‘yun.

“Alam n’yo bang kapag tumatawag siya sa mga katrabaho niya, e, iniiwasan siyang sagutin? Napakahirap daw kasi, dahil napakaraming itinatanong ng aktres, kaya hindi na lang siya sinasagot ng mga kasamahan niya sa trabaho.

“Alam n’yo bang sa madaling-araw pa siya tumatawag? Like nu’ng sagutin ng isang sikat na male personality ang tawag niya, pagkatapos nilang mag-usap, e, isa lang ang sinabi nu’ng actor, never again!

“Kasi, ang gustong mangyari ng veteran actress, e, mag-ensayo na sila nu’ng male personality sa mga gagawin nilang eksena sa seryeng magkasama sila!

“Naman! Mapilit ang beteranang personality, gusto niya talagang magbatuhan na sila ng mga dialogues ng bumibida sa serye, ibang klase rin siyang mag-trip, di ba naman?

“Sabi nga ng mga kapwa niya artista, kung ayaw niyang matulog, e, magpatulog naman sana siya!” ganu’n na lang ang paghalakhak ng aming source sa nalaman nitong kuwento.

May palaging dala-dala sa set ang veteran actress. Palagi niyang niya­yakap at hinahalikan ang laman ng parang malaking vase na dala-dala niya kahit saan siya magpunta.

Balik-kuwento ng aming source, “Masyadong curious ang isang kasamahan niyang production staff kung ano ba ang laman nu’n? Nalokah siya sa nalaman niya.

“Abo pala ng namayapa niyang karelasyon ang laman ng parang kristal na niyayakap niya. Nakakagulat, hindi niya inilagak sa columbarium o sa simbahan ang abo ng kanyang mahal, dinadala-dala niya talaga ‘yun sa work area niya.

“Ganu’n niya kamahal ang namayapa, kailangang magkasama pa rin sila sa kahit saan, natatakot lang ang production staff na baka aksidenteng mabasag ang lalagyan ng abo.

“Kakaiba talaga ang lola n’yong ito! Siya na talaga! Walang makakaplakado sa mga kakuwanan niya sa buhay, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Edu tuloy ang laban

Paulit-ulit ang pagpapaliwanag ng mga kapartido ni Edu Manzano na tuloy pa rin ang kanyang laban sa pagkakongresista ng San Juan.Mahirap na nga naman kasi, baka magdalawang-isip ang kanilang mga nasasakupan sa pagboto sa kanya, dahil sa lumabas na disqualification issue ng COMELEC sa kanyang kandidatura.Hanggang ngayon ay palagi pa ring bumibida sa mga kuwentuhan ang isang beteranang aktres na ang galing sa pag-arte ay walang kakuwestiyun-kuwestiyon.

Iiyak ka na lang habang pinanonod mo ang kanyang pagganap, wala ka nang masasabi, dahil talagang pinanday na ng panahon ang pagiging mahusay na artista niya.

Pero may kuwento ang aming source tungkol sa magaling na beteranang aktres, iba-ibang istorya ‘yun ng kanyang mga anekdota, nakakaaliw na nakagugulat ang mga kuwentong ‘yun.

“Alam n’yo bang kapag tumatawag siya sa mga katrabaho niya, e, iniiwasan siyang sagutin? Napakahirap daw kasi, dahil napakaraming itinatanong ng aktres, kaya hindi na lang siya sinasagot ng mga kasamahan niya sa trabaho.

“Alam n’yo bang sa madaling-araw pa siya tumatawag? Like nu’ng sagutin ng isang sikat na male personality ang tawag niya, pagkatapos nilang mag-usap, e, isa lang ang sinabi nu’ng actor, never again!

“Kasi, ang gustong mangyari ng veteran actress, e, mag-ensayo na sila nu’ng male personality sa mga gagawin nilang eksena sa seryeng magkasama sila!

“Naman! Mapilit ang beteranang personality, gusto niya talagang magbatuhan na sila ng mga dialogues ng bumibida sa serye, ibang klase rin siyang mag-trip, di ba naman?

“Sabi nga ng mga kapwa niya artista, kung ayaw niyang matulog, e, magpatulog naman sana siya!” ganu’n na lang ang paghalakhak ng aming source sa nalaman nitong kuwento.

May palaging dala-dala sa set ang veteran actress. Palagi niyang niya­yakap at hinahalikan ang laman ng parang malaking vase na dala-dala niya kahit saan siya magpunta.

Balik-kuwento ng aming source, “Masyadong curious ang isang kasamahan niyang production staff kung ano ba ang laman nu’n? Nalokah siya sa nalaman niya.

“Abo pala ng namayapa niyang karelasyon ang laman ng parang kristal na niyayakap niya. Nakakagulat, hindi niya inilagak sa columbarium o sa simbahan ang abo ng kanyang mahal, dinadala-dala niya talaga ‘yun sa work area niya.

“Ganu’n niya kamahal ang namayapa, kailangang magkasama pa rin sila sa kahit saan, natatakot lang ang production staff na baka aksidenteng mabasag ang lalagyan ng abo.

“Kakaiba talaga ang lola n’yong ito! Siya na talaga! Walang makakaplakado sa mga kakuwanan niya sa buhay, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Edu tuloy ang laban

Paulit-ulit ang pagpapaliwanag ng mga kapartido ni Edu Manzano na tuloy pa rin ang kanyang laban sa pagkakongresista ng San Juan.

Mahirap na nga naman kasi, baka magdalawang-isip ang kanilang mga nasasakupan sa pagboto sa kanya, dahil sa lumabas na disqualification issue ng COMELEC sa kanyang kandidatura.

Maging ang kanyang abodagong si Attorney Sixto Brillantes, dating tagapamuno ng COMELEC, ay palaging nagpapaalala sa mga taga-San Juan na hindi pa pinal ang pinalabas na desisyon ng COMELEC.

Nakapag-file na ng kanyang motion for reconsi­deration sa en banc ng COMELEC ang aktor-pulitiko. Naniniwala ang kanyang abogadong na du’n pa lang sa isinumite nilang mga dahilan kung bakit hindi dapat ma-disqualify sa laban si Edu ay mababaligtad na agad ang desisyon.

“Isa lang ang nakikita kong reason kung bakit hinukay na naman ang issue na Supreme Court na mismo ang nagsabing Filipino citizen si Edu, tinutulu­ngan nila ang mga kalaban ng ipinadi-disqualify nila,” makahulugan pang sabi ni Attorney Sixto Brillantes.

Mismo!

EDU MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with