^
Prince Harry at Meghan Markle pinangalanan ng âmatapangâ ang anak
Meghan, Prince at Baby Archie

Prince Harry at Meghan Markle pinangalanan ng ‘matapang’ ang anak

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2019 - 12:00am

Sa kauna-unahang pagkakataon ay iniharap ng mag-asawang Prince Harry at Meghan Markle, Duke and Duchess of Sussex sa media sa St. George’s Hall ng Windsor Castle ang pinakabagong miyembro ng British royal family, ang kanilang first born na si Archie Harrison Mountbatten-Windsor nung nakaraang Miyerkules, May 8.

Ang Archie ay nangangahulugang brave o matapang habang ang Harrison ay Son of Harry at ang Mountbatten ay ang family name ni Prince Harry ng Windsor or si Prince Archie.

Masayang ibinahagi ng brand new pa­rents ang kanilang unang supling sa media. “It’s magic, it’s pretty amazing,” pahayag ni Meghan, Duchess of Sussex. “I have two best guys in the world so I’m really happy,” dugtong pa ng dating American actress-turned British family member.

“We’re just so thrilled to have our own bundle of joy and to spend precious time with him as he slowly, slowly starts to grow,” pahayag naman ni Prince Harry, Duke of Sussex.

Si Prince Archie ay isinilang sa pamamagitan ng normal delivery nung nakaraang Lunes, May 6 ng 5:26 a.m. at tumitimbang ng 7 lbs. and 3 oz. Siya ang pang-pitong naka-linya sa trono ng British monarchy at pang-walong apo sa tuhod ni Queen Elizabeth II at Prince Philip, Duke of Edinburgh.

Si Prince Harry ay 34 habang si Meghan ay 37 when they become parents.

Edu tuloy pa rin kahit niligwak na ng COMELEC!

Humarap sa media ang San Juan congressional candidate, ang actor-politician na si Edu Manzano kasama ang kanyang legal counsel, ang dating Commission on Election chairman na si Atty. Sixto Brillante para iparating sa publiko na tuloy umano ang kandidatura ng ama ni Luis Manzano sa kabila ng desisyon ng COMELEC second division na disqualification ng actor dahil umano sa citizenship, the same election offense na ibinato sa kanya (Edu) nang siya’y tumakbo sa pagka-vice mayor ng Makati in 1998 pero siya’y pinaboran ng Supreme Court.

Bago pa man kumandidato si Edu sa pagka-vice mayor ng Makati ay matagal na niyang ginib-ap ang kanyang US citizenship and he’s now carrying a Philippine passport for the longest time.

Harlene interesado rin sa pulitika

Although 50 years old na si Herbert Bautista ay malayo pa ang itatakbo ng kanyang political career na ngayon ay gusto munang magpahinga sa pulitika at bumawi sa kanyang mga anak na pare-pareho nang malalaki.

Ang nakababatang kapatid ni Herbert na si Hero Bautista ang sinusuportahan ng actor-politician bilang konsehal maging ang kanyang Vice Mayor na si Joy Belmonte at team nito na siyang tumatakbo at papalit kay Herbert bilang mayor ng Quezon City.

Samantala, although mas focused ngayon si Harlene Bautista sa kanyang limang anak at pagpapatakbo ng ilang negosyo at kasama na rito ang pagiging isang film producer, hindi nito ipinipinid ang kanyang pintuan sa pulitika tulad ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid na si QC Mayor Herbert Bautista at QC 4th district councilor na si Hero Bautista.

“Naniniwala ako na isang calling o destiny ang pagpasok sa public service,” aniya nang ito’y makakuwentuhan namin sa taunang lunch birthday treat ni Bistek sa mga taga entertainment media na ginanap sa Annabel’s nung nakaraang Miyerkules ng tanghali, May 8. Ang pagiging public servant nina Bistek at Hero ay kanilang minana sa kanilang namayapang actor-director at politician father na si Butch Bautista.

Ang dating child star at miyembro ng now-defunct youth-oriented program na That’s Entertainment ay hiwalay na sa kanyang mister, ang actor na si Romnick Sarmenta matapos ang kanilang 19 na taong pagsasama at pagkakaroon ng limang anak na kanilang inanunsyo nung nakaraang October 2018. Pero sa kabila ng kani-kanilang hiwalay na buhay ngayon, they are co-parenting their children na unti-unti na ring nasasanay sa bago nilang set-up bilang separated couple.

May kani-kanyang bagong karelasyon na rin ang dating mag-asawa, si Romnick na isang dating stage actress at si Harlene sa isa ring dating taga-That’s Entetainment, ang  businessman na si Neil Eugenio na dating naka-base sa Australia, London at Amerika.

Ang dating mag-asawa ay tatlong beses ikinasal – sa Las Vegas, Nevada, sa civil at sa simbahan.

EDU MANZANO PRINCE HARRY AND MEGHAN MARKLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with