^

PSN Showbiz

Dating actor na si Rudy Francisco pumanaw na!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Dating actor na si Rudy Francisco pumanaw na!
Rudy

SEEN: Naalaala ng publiko ang relasyon ni Ellen Adarna sa presidential son na si Baste Duterte dahil sa pagdalo nila ni John Lloyd Cruz sa appreciation dinner ni President Rodrigo Duterte sa Malacañang Palace noong Martes nang gabi.

SCENE: Naramdaman ng mga artista na imbitado sa appreciation dinner ang sincerity ni Honeylet Avanceña nang pasalamatan nito ang mga showbiz personality na sinuportahan ang presidential bid ni President Rodrigo Duterte noong 2016. Si Avanceña ang host ng dinner at siya ang current partner ni President Duterte.

SEEN: Nagtampo si ER Ejercito sa mga artista na umakyat sa entablado sa kampanya ng kalaban niya sa governatorial race sa Laguna province. Ipina­liwanag ng mga artista na umakyat sila sa stage para sa senatorial candidate na si Bong Go, hindi dahil sa katunggali ni ER.

SCENE: Tanggap ni Harlene Bautista kung sakali na magkaroon ng anak sa ibang babae ang ex-husband niya na si Romnick Sarmenta dahil hiwalay na sila. Naniniwala si Harlene na magiging magkaibigan sila ni Romnick dahil co-parenting pa rin sila sa kanilang mga anak. Ibinalita rin ni Harlene  na inilipat niya sa ibang lugar sa Quezon City ang kanyang Salu restaurant. Mula sa Sct. Torillo, sa UAP building sa Sct. Rallos ang bagong address ng kanyang popular Filipino restaurant.

SEEN: Missed na missed ni Korina Sanchez ang kanyang ama at ina na magkasunod na pumanaw noong 2004. Naniniwala si Korina na ang mga magulang niya ang guardian angels ng kanyang kambal na anak na sina Pepe at Pilar.

SCENE: Sumakabilang-buhay noong May 8 sa edad na 96 ang veteran actor na si Rudy Francisco na ama ng stage actor na si RS Francisco. Former contract star si Francisco ng Sampaguita Pictures at naging popular noong dekada ‘90 ang McDonald’s commercial nila ni Karen delos Reyes.

BASTE DUTERTE

ELLEN ADARNA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with