Anak ng aktor na parang namamalimos noon ng sustento nakatapos na ng kolehiyo
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2019 - 12:00am

Masaklap ang buhay na pinagdaanan ng magandang anak ng isang popular na aktor sa isang nagsisimula pa lang na artista nu’ng kanyang makilala at makarelasyon.

Tumigil na sa kanyang pangarap ang baguhang artista, pinahinto na ito ng kilalang male personality, basta manahimik na lang daw ito sa bahay at siya na ang bahala sa lahat.

Kuwento ng aming source, “Pero naging mabilis lang ang relasyon nila, naging karelasyon kasi ng male personality ang isang babaeng sikat na, e, super-yaman pa.

“Natural, napakasakit nu’n para sa babaeng pini­gil niya ang pangangarap, di ba? Pero ano naman ang laban niya sa ipinalit sa kanya ng tatay ng anak niya? Meron ba?

“Wala siyang choice kundi ang manahimik na lang kahit pa hindi halos nagsusustento ang father ng anak niya. Para siyang namamalimos, nagma­makaawa, samantalang nagpapasasa sa kaginhawahan ang ex niya,” umpisang kuwento ng aming impormante.

Habang lumalaki ang anak ng kilalang male personality ay kapos na kapos ito sa pangangailangan. Mabuti na lang at maraming kamag-anak ang babae na tumutulong sa kanilang mag-ina.

Patuloy ng aming source, “Nu’ng una, e, humi­hingi pa ng tulong ang girl sa male personality, pero dahil oo lang naman nang oo ‘yung lalaki pero wala namang ipinadadalang sustento para sa anak nila, e, napagod na rin siya.

“Hanggang sa dahil sa sobrang awa sa mommy niya, e, ang dalaga na niyang anak ang tumawag sa kanya. Pero nawindang ang anak, pagsagot pa lang kasi sa kanya ng daddy niya, e, umuubo-ubo na!

“Parang gustong ipamukha sa kanya ng tatay niya na pareho lang silang problemado. Palaging ganu’n ang male personality kapag tinatawagan ng anak niya. Nagdadrama siyang maysakit.

“Sa inis nu’ng anak, nu’ng minsang tawagan niya ang daddy niya na nagpapanggap na namang hindi maganda ang pakiramdam, e, sinabi niya, ‘Huwag na po kayong magpakahirap sa kauubo, baka magasgas lang ang lalamunan n’yo. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na may trabaho na po ako. Naka-gra­duate po ako nang wala kayong alam.’

“Ilang seconds na hindi nakapagsalita ang male personality, biglang nawala rin ang ubo niya, dahil napakasakit ng sinabi ng anak niya. Ganu’n na ganu’n!

“Naku, hindi lang pala maigsi ang memory ng lalaking ‘yun sa mga taong may malaking naitulong sa kanya, may amnesia rin pala siya sa pagsusustento sa anak niya!” bigay na bigay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alden hindi pikon, dapat matutunan ni Coco

Sa isang malaking umpukan ng mga manunulat ay pinagkumpara sina Coco Martin at Alden Ri­chards. Pareho kasi silang sikat, nagpaparamihan sila ng mga ineendorsong produkto, nakatuon din ang kanilang atensiyon ngayon sa pagnenegosyo.

Pero nagkaisa ang magkakaharap na manunulat na oo nga, malaki rin ang pagkakaiba nila, may kani-kanya silang katangian. Magkaiba ang atake nila sa buhay.

Sabi ng isang kasamahan namin, “Hindi palapatol sa mga bashers si Alden. Mahaba ang pasensiya niya, alam niya kasi na kahit du’n sa mga grupong namba-bash sa kanya, e, may dapat din siyang tanawing malaking utang na loob.

“Hindi rin napipikon si Alden kapag nasusulat ang private life niya. At ang pinakamatindi, kahit ‘yung isyung bading siya, e, hindi ‘yun ikinapikon ni Alden!

“Hindi siya ipi-naglihi sa patola at hindi rin siya balat-sibuyas. Alam niya ang pinasok niyang mundo, aware siya na public figure siya,” pahayag ng aming kasamahan.

Kabaligtaran nga naman ni Alden si Coco na mahilig sumagot sa mga pumapansin sa kanyang mga kakapusan at sa kuwento ng kanyang personal na buhay.

Sabi nga ng isang reporter, “Itong si Coco kasi, e, masyado nang believe sa sarili niya. Umakyat na ang hangin ng popularity sa ulo niya. Lumalabas na ngayon ang mga kuwento kung gaano siya kahirap katrabaho!

“Mayabang ang mga posts niya, parang kanya na ang mundo, palib­hasa, e, sikat na nga siya at pina­yaman na ng showbiz! Napakalayo niya kay Alden at sa iba pang mga artistang mas sikat kesa sa kanya,” komento pa ng aming kasama sa hanapbuhay.

Oong-oo naman.

ALDEN RI­CHARDS COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with