Kuwaresma wrong timing?!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2019 - 12:00am

Mukha ngang mali ang timing ng pagpapalabas ng Kuwaresma nina Sharon Cuneta at Erik Matti. Imbes na nung Holy Week ito naipalabas ay ngayong Mother’s Day ito mapapanood. Pero sino ba tayo para kuwestyunin ang gusto nilang release date?

Baka nga parang tribute ito sa Megastar na gumawa ng horror film for the first time na labas sa kanyang comfort zone at maituturing na isang mala­king sugal sa panahon ngayon na hindi gaanong umaalagwa ang mga local film.

Sana nga hindi sila nagkamali sa pagpili ng araw ng pagpapalabas nito. Need ng ating movie industry ang isang malakas na sipa para umakit ito ng manonood. Baka nga sa Kuwaresma mangyari ito.

Anak ni Isko artista na rin

May artista na ring anak ang tumatakbong mayor ng Maynila na si Isko Moreno Domagoso, si Joaquin Domagoso. Kahit hindi man naituloy ni Isko ang kanyang pag-aartista, maipagpapatuloy naman ito ng kanyang anak.

Sigurado namang namana ng batang Domagoso, hindi lamang ang talento ng kanyang ama kung hindi maging ang sipag at diskarte nito sa pag-aartista.

Hindi mahihirapan ang manager niya sa pagpapatakbo ng kanyang showbiz career.

Baron hindi nagpahuli kina Eddie, Arjo at Jhong

Dapat lang talaga maging grateful si Baron Geisler kay Coco Martin na binigyan ng panibagong buhay ang kanyang pag-aartista sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng break sa FPJ’s Ang Probinsyano. Iilan ang mga artista ang gagawa ng ganun kagandang gesture sa isang tulad niya at ang hiling lamang nito ay tulungan din niya ang sarili niya kapalit ng pagtulong na ginawa nito sa kanya. Sa serye, muling nakikita ang husay ng ex-Tabing Ilog star.

In fairness, Baron is more than convincing sa kanyang role na siya niyang forte at nakita rin ang matagal niyang ikinukubling gandang lalaki sa pagtanggap ng mga kontrabida roles. Hindi na siya napapag-iwanan nina Eddie Garcia, Arjo Atayde, Jhong Hilario na nauna sa kanyang magkontrabida sa mahigit sa tatlong taong serye at patuloy pa sa pag-arangkada hanggang sa ngayon.

Pepe at Pilar malaking tulong kay Mar

Pinag-showbiz na rin ni Senatoriable Mar Roxas at Korina Sanchez ang kanilang kambal na sina Pepe at Pilar sa entertainment press. Iwan man o hindi ng kambal na sanggol ang maagang exposure nila sa showbiz,mga artista na silang maituturing at this point. Malaking tulong na rin sila sa kanilang kumakandidatong ama na kung karapat-dapat tumakbong pangulo ng bansa before ay mas qualified maging senador.

SHARON CUNETA AND ERIK MATTI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with