^

PSN Showbiz

Tagalog Movies salpukan ngayon!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Nadagdagan ang mga supporter ni Edu Manzano dahil sa balita na kinansela ng Commission on Elections second division ang kanyang certificate of candidacy bilang house representative ng lone district ng San Juan City, isang linggo bago mangyari ang midterm poll sa May 13, 2019. Kumbinsido ang publiko na biktima si Edu ng smear campaign. Ang aktor ay mahigit sampung taon nang naninirahan sa San Juan City. “Hindi totoo. Second division pa lang iyan. May en banc pa. Ginawa sa akin ‘yan in 1998. Nanalo ako sa Supreme Court and went to become Vice Mayor of Makati City.

“Pinayagan ako ng Korte Suprema na tumakbo. Nasa Mercado vs Manzano 1998,” ang statement ni Manzano tungkol sa isyu.

SCENE : “E kasi na-videohan na nagmumumura ng mga botante sa Pasadena ang kalaban ni Edu so paano pa makaka–recover? So kailangan pa-disqualify si Edu. Ay mukhang magkakagulo nito kapag naging unopposed ‘yung napikon na kandidato,” ang reaksyon ni Arnell Ignacio nang malaman nito ang bagong pagsubok sa congressional bid ni Edu.

SEEN: Dalawang Tagalog movies ang magkasabay na magbubukas ngayon sa mga sinehan, ang comedy movie na Sons of Nanay Sabel ng Viva Films at ang Man and Wife ng CineKo Productions.

SCENE : Ipinauubaya ni AiAi Delas Alas sa Diyos ang magiging resulta sa takilya ng Sons of Nanay Sabel na perfect movie for Mother’s Day sa May 12. Introducing sa Sons of Nanay Sabel ang Ex Battalion.

SEEN : Sina Gabby Concepcion at Jodi Sta. Maria ang mga bida sa Man and Wife. Masipag si Jodi na mag-promote at another story ang hindi pagsipot ni Gabby sa grand presscon ng pelikula na continuation ng kuwento ng family drama soap opera na Gulong Ng Palad.

SCENE : Nag-renew si Jean Garcia ng kanyang network contract sa GMA-7 noong Lunes, May 6.

SEEN : Opisyal na rin ang pagiging Kapuso actor ni Clint Bondad dahil pumirma siya kahapon, May 7, ng exclusive contract sa GMA Artist Center, ang talent management agency ng GMA-7. Nakatulong ang dating relasyon ni Clint kay Miss Universe 2018 Catriona Gray para magkaroon ng direksyon ang kanyang showbiz career. Regular na napapanood si Clint sa Love You Two.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with