Korina araw-araw namamalimos ng gatas!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2019 - 12:00am

Nakakaramdam din ng postpartum

Parang may pilgrimage araw-araw sa bahay nina senatoriable Mar Roxas and Korina Sanchez dahil sa kambal na sina Pepe and Pilar.

Yup, as in hindi sila nauubusan ng bisita simula nang iuwi nila ang mga baby galing ng Amerika.

At hindi naman pinagdadamot ng mag-asawa. Kahit wala pa itong mga vaccine at hindi pa officially binyag (blessing lang), hinaharap na nila ang kambal sa mga bisita.

Actually, ma-PR na sila. Nang ini-introduce ng mag-asawa formally sa entertainment press sina Pepe and Pilar, nakangiti sila at mulat na mulat ang mga mata. At parang sanay na sanay na sa maraming tao.

Aminado si Ms. Koring na sa Singapore sila unang pumunta para sa surrogacy process pero negative ang naging reaction ng mga doctor.

Sunod nilang pinuntahan ang India pero ang tagal nilang naghintay, four years. At wala ring nangyari hanggang inabot na sila at nagbago pa ang batas. “Gusto ko sana dun dahil parang Bahay ni Kuya. 24 hours gwardyado sila.”

At doon na sila nagtanong sa mag-asawang Hayden and Vicki Kho.

Sa same team nila Dra. Belo sila nagpunta at finally, nakabuo sila.

Single parent ang nagdala sa kanilang baby na high school graduate na pinili nilang mag-asawa na ngayon at manager ng Starbucks sa Pennsylvinia, USA.

Anyway, ngayon ay excited na si Ms. Koring sa darating na Mother’s Day. “Kung noon ako ang namimigay ng flowers, at least ngayon ako na ang bibigyan nila,” tsika nito kahapon.

May nakahanda na ring outfit sina Pepe and Pilar para sa nasabing ocassion.

Adjusted na rin siya sa pagiging brand new mom though aminado siyang hindi agad-agad nag-sink in sa kanya. “Hindi immediate ‘yung pag-sink-in nung motherhood lalo’t hindi ako ang nagdala. Parang medyo strange. You know when people were asking me, ‘are you excited? Are you excited?’ hindi ako makasagot,” kuwento niya.

Hindi raw kasi niya inasahan sa edad niya na 50 ay makakahabol pa siya. Pero sabi nga niya, ayaw niyang mabuhay na may regret kaya talagang ginawa niya lahat para magka-baby sila ni Mar na kumakandidato uling senador.

“Kumbaga ang busy-busy ko sa trabaho. Up to the last minute before I boarded the plane to Pittsburgh (Pennsylvania, USA kung saan isinilang ang kambal), busy ako. So, parang hindi mo maramdaman..

“Kaya  nung dumating ang mga bata, ‘ay okay, tao, humihinga siya,’ ganu’n. Tapos, hindi rin ako masyadong maka-bond because I have caregivers, di ba? Hindi naman ikaw ‘yung super-kasama niya.

“Pero unti-unti, day by day, nadadag­dagan ‘yung parang enjoyment.  It’s not immediate. Talagang it builds and builds. And now, that they can see, they’re interactive, ayan na. Parang medyo bumubuhos na ‘yung connection, ‘yung bonding,” pag-amin niya.

Nabanggit din niyang isa lang sana ang gusto niyang anak pero si Mar na 60 years na ang may gusto na kambal or  kung puwede triplet pa nga. Pero umayaw daw ang surrogate mother sa triplet so nag-settle sila sa kambal. “Si Mar ang may gusto ng kambal, gusto pa yata triplets. Sabi ko, ‘malakas ang loob ni lolo!’ I think it’s because he feels strong,” pahayag niya.

“Usually raw kasi pag tatlo, dalawa lang ang nabubuo. It’s really a miracle because it’s not usual that dalawa talaga mag-survive. Kung minsan nga, wala. Uulit ka nang uulit and that was our worry, kasi nga, baka maubusan ng embryo.”

Ngayon daw ay hindi na niya kayang mag-produce ng embryo lalo na nga iisa lang ang ovary niya kaya talagang himala ang magkaroon sila ng anak.

 Almost a year siyang nag-bed rest, nag-accupuncture at every week ay nagpapa-ultra sound siya para ma-monitor ang kanyang embryo.

Anyway, tulad ng maraming nanay, biglang nakaramdam ng maraming takot si Ms. Koring since magkaanak sila. “Tinatanong ko nga ang mga ibang mother, weird ba ako? Nega ba ako,” pag-aalala niya. “May postpartum ba ako, eh hindi naman ako nanganak hahaha.”

Praning din siya sa sakit ng mga bata kaya breastmilk ang ipinaiinom niya kina Pepe and Pilar. “Araw-araw akong namamalimos ng gatas. I have friends and barkada nila na may gatas talagang nanghihingi ako.” Na sustentado naman niya ng mga lactation cookies, malunggay, basta lahat ng pampagatas. 

KORINA SANCHEZ MAR ROXAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with