^

PSN Showbiz

Arnel nire-request na si Coco ang gumanap sa life story niya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Arnel nire-request na si Coco ang gumanap sa life story niya
Arnel at Coco

Suportado ni Arnel Pineda ang anak na si Angelo sa pagkakapasa nito sa audition para sa Idol Philippines kamakailan. Para sa singer ay kailangan pa niyang tutukan si Angelo para mas gumaling sa pagkanta ang anak.

“He needs to do more than better, more than best. You don’t have to sound like somebody else. You have to sound like you and you have to build your brand,” naka­ngiting pahayag ni Arnel.

“I need to give him more tips about emotions, because I think that’s what he lacks. Kino-coach ko siya kung ano pa ang kulang sa kanya, kung ano pa kailangang idagdag, kung ano pa kailangan niyang gawin. Ako father niya, so mas critical ako sa kanya. I hope he makes it farther. I want him to be the best he can for himself. Sana mag-succeed siya,” dag­dag pa niya.

Samantala, pinaghahandaan na ng international singer ang world tour ng bandang Journey ngayong taon. Bukod dito ay matutuloy na rin daw ang paggawa ng pelikulang tungkol sa buhay ni Arnel ng mga Hollywood producers na sila ring gumawa ng Crazy Rich Asians. Kung papi­piliin ang singer ay si Coco Martin daw ang kanyang gustong gumanap para sa bagong proyekto. “Si Coco sana, kaso lang sobrang gwapo si Coco eh. Gano’ng height katulad kay Coco, no offense to Coco ha,” giit ni Arnel.

Angeline tinupad ang hiling ng isang 71-year old composer

Bibigyang katuparan nina Angeline Quinto ang pangarap ng isang 71-year old amateur composer na si Francisca ‘Fe’ Teje. Hiling ni Nanay Fe na kantahin ng isang sikat na singer ang kahit isa sa kanyang mga komposisyon.

Naging emosyonal si Angeline nang unang mapakinggan ang kantang Maraming Salamat Mahal na isinulat ni Nanay Fe para sa asawang si Tatay Edgardo. “Kahit medyo maikli lang ‘yung kanta, sobra ‘yung puso ng kanta. Bawat linya no’ng kinakanta ko, talagang tumatagos sa akin. At I’m sure din po sa lahat pa ng mas maraming makakarinig ng kanta,” pahayag ni Angeline.

Siniguro naman ng songwriter at music producer na si Jonathan Manalo na mas marami pang makakarinig na mga tagahanga sa nasabing komposisyon ni Nanay Fe. “Marami pa pong makakarinig ng sinulat ninyong lyrics at ire-record po ‘yan ni Angeline para maging regular single siya at mas mapapakinggan pa po ng mas maraming mga tao. ‘Pag nag-hit song siya, meron po kayong kikitain do’n,” mensahe ni Jonathan kay Nanay Fe. Magkakaroon ng porsiyento sa kikitain si Nanay Fe bilang royalty fee para sa kanyang komposisyon.

Masayang-masaya naman si Nanay Fe dahil natupad na ang pinapangarap lamang niya noon. “Marami pong salamat, natupad ang aking pangarap,” emos­yonal na pahayag niya.  (Reports from JCC)

vuukle comment

ARNEL PINEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with