Claudine at Raymart
Claudine at Raymart kailangan ng kontrata para ‘di mag-away
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 6, 2019 - 12:00am

Isa pa ring wini-wish ng marami na magkasundo na rin ay ang estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago. Hindi makakabuti sa kanila kung magkakaro’n sila ng iringan lalo’t sa ABS-CBN sila parehong nagtatrabaho. 

The public wouldn’t mind kung magdedmahan sila. Kesa naman makita at marinig na naglalaba sila ng kanilang dirty linen in public. Buti na lang at nagpapaka-maginoo na hindi nagbibigay ng reaksyon o nagko-comment man lamang si Raymart, maging ang mga kapatid niya. Parating si Claudine ang nagbibigay ng dahilan para maramdaman ng lahat na may away na namamagitan sa kanila. May anak pa naman sila, paano na sila? Dapat siguro na ginawang clause sa kontrata nila ang hindi nila pag-aaway, para sa ikatatahimik ng lahat ng makakasama nila sa work. 

Nash at Mika nakikitaan ng forever 

Mukhang magtatagal ang relasyon nina Nash Aguas at Mika dela Cruz. Mag-iisang taon na ang relasyon nila pero, hindi pa sila nagkakaro’n ng major na away both sa kanilang karera at sa personal nilang buhay. Unlike his previous relationship, natuto na ang kabataang aktor na mag-ayos ng kanilang relasyon, at never naging bala­kid ang kanilang mga trabaho. 

Marami ang kino-consider ni Nash na sa murang edad ay isa nang ideal husband material dahil maalam ito sa buhay. Bukod sa marami niyang talento, sa pag-arte, pag-iisip ng konsepto at pagdidirek, ay marunong na siyang humawak ng perang kinikita niya. Siyempre, hindi niya ito magagawa without the help of his mom na tinulungan siyang mag-handle ng kanyang finances. Nagawa na nito na makapag-invest ng property sa Las Vegas, USA. Iilan lamang ba sa ating mga artista ang mayro’n nang real pro­perty sa ibang bansa, lao na sa US? 

Arjo at Dingdong magkatulad ang pinagmulan

Marami ang nagulat na malaman na isa rin palang dancer si Arjo Atayde. Katunayan, member ito ng dance group na Legit Status at napanood ang reunion nila kahapon sa ASAP. Tanging si Dingdong Dantes lamang ang alam ng lahat na nagsi­mula ng kanyang karera sa pamamagitan ng pagsasayaw kasama ang Abs­tract Dancers bago pa kinilala ang husay niya sa pag-arte. Kaya pala mahusay din sa action si Arjo. Mayro’n siyang rhythm.

Who ng showtime laylay na 

Sinusubaybayan na ang Boom segment ng Eat Bulaga. Lahat ng manonood ay gustong makasama sila sa hulaan. Alam kaya ng mga taga-It’s Showtime na mas gusto ang segment na ito ng mga manonood kaysa ang KapareWHO nila na mga may edad na ang hinahanapan nina Anne Curtis, Karylle, Vice Ganda at Vhong Navarro ng mga ka-date. Interesting kung popular at kilala na yung mga nagpa-participate pero, kung hindi, lumalaylay ang segment. 

Dapat mag-isip ang show ng mga bagong segments para naman hindi iniiwan ng mano­nood ang show at bumabalik na lamang kapag oras na ng Tawag ng Tanghalan.

 

CLAUDINE BARRETTO RAYMART SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with