One night stand sa sexy star ng male personality nabuko ng kanyang partner na TV personality
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - May 6, 2019 - 12:00am

Kaya mapakla ang kapalaran

May matindi palang dahilan kung bakit ganyan na lang kapakla ang tingin ng isang kilalang male personality sa mundo. Bitter na bitter siya, palasawsaw sa kung anu-anong isyu, sa ganu’ng paraan na nga lang siguro niya idinadaan ang paglimot sa masaklap niyang nakaraan.

Naging karelasyon niya ang isang kilalang female TV personality, mahabang panahon silang nagsama, may kani-kanyang pamilya na sila pero sinikap nilang magbuo ng sarili nilang mundo.

Pero kuwento ng aming source, “Pero naging chickboy ang male personality. Ang nagagawa nga naman ng popularity at datung. May mga naka-one-night-stand siyang sexy stars, ipinagmamalaki pa nga nu’ng isa na napaka-macho niya.

“Nagmumura raw ang mga muscles niya at pagdating sa kama, e, wala nang hahanapin pa ang sexy star, dahil ang galing-galing ng lolo n’yo!

“Walang kaalam-alam ang male persona­lity na minsan, mismong ang naikama niya ang nakakuwentuhan ng karelasyon niyang female TV personality. Walang alam ang sexy star, hindi alam ng girl na ka-live-in ng nakasama niya sa kama ang TV personality, kaya naglitanya siya nang naglitanya.

“Du’n na dumating ang pinakamasaklap na yugto sa buhay ng male personality. Hindi na siya isinasabay sa mesa ng TV personality kapag kumakain siya.

“At hindi lang ‘yun. Pinaaalis siya ng TV perso­nality sa paligid, hindi raw siya makakain, dahil isang baboy na lalaki ang nakikita niya.

“Marami nang nababalitaan ang TV personality tungkol sa pagiging palikero ng kanyang partner, pero wala siyang solidong ebidensiya. Hulog ng langit sa kanya ang daldakinang sexy star na pinakialaman ng partner niya.

“Iba ‘yung first hand na kuwento, ‘yun na ‘yun, e, hindi basta tsismis lang, hindi basta paninira lang, talagang detalyadong nalaman ng TV personality ang mga kalokohan ng kanyang partner,” kuwento pa ng aming source na paboritong gamitin nang paulit-ulit ang terminong partner.

Maayos ang buhay at career ng female TV personality, nasa gitna pa rin ito ng laban, pero ang male personality ay parang palayan ang karera na pinamugaran ng mga mapanirang insekto kaya walang kahit anong proyekto.

“Sawsaw-suka na lang siya ngayon. Palaging nakikisawsaw sa kung anu-anong issue. Kasi nga, e, wala na siyang career! Kaya siya galit sa mundo, kaya siya Viterbo, kasi nga, nand’yan pa rin ang kanyang partner at namamayagpag!” huling sundot ng aming source.

Ubos!

Anak nina Coco at Julia,  nasa ‘dilim’ pa rin?!

Paboritong pulutan ngayon si Coco Martin sa mga umpukang showbiz. Kahit saan, maraming nagtatanong-nagugulat kung bakit siya nagiging negatibo, ano raw ba talaga ang ipinagpuputok ng butse ng action star?

Komento ng aming regular na kritiko sa buhay ng mga artista na si SOS, “Sobrang agree po kami sa mga opinyon n’yo. Di po ba, marami nang nagtatanong nu’n pa kung bakit kailangang itago ni Coco bilang karelasyon si Julia Montes?   

“Ano’ng meron? Gagawa-gawa sila ng multo, tapos, nu’ng lumabas, e, siya pa itong galit! Hindi na nga siya nagpakatotoo sa publiko, tapos ngayon, e, siya pa ang panay-panay ang patutsada?

“Hindi po lalaki ang diskarte niya, talagang nasira siya sa parteng ito, hindi maganda ang mga pinagsasasabi niya. Hindi ba siya proud sa anak nila ni Julia?

“Dahil ba ‘yun sa pagiging sarado-Katoliko niya at pagiging deboto ng Poong Nazareno na naanakan niya si Julia, samantalang hindi naman sila kasal at mag-asawa?

“Ibang-iba pala talaga ang role niya bilang si Ricardo Dalisay na may matinding paninindigan sa Ang Probinsyano. Ibang-iba pala talaga siya sa totoong buhay.

“FPJ kuno-kuno lang pala siya!” madiing komento ni SOS.

May naengkuwentro kaming maigsing kuwento ilang taon na ang nakararaan. Ang titulo ay Everybody Deserves A Birthday. Ang kuwento ay umikot sa buhay ng isang anak na ikinahiyang aminin ng kanyang mga magulang dahil sa sobrang pag-aalaga at pagpapahalaga sa kanilang career.

Himutok ng idinenay na anak sa kanyang paglaki, “Itinago n’yo na nga ang relasyon n’yo dahil sa mga pangarap n’yo. Nabuhay ako sa dilim habang ginagawa n’yo.

“Sa dilim na nga ako tumira nang siyam na buwan, hanggang sa paglabas ko ba, e, nasa dilim pa rin ako?”

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with