Juday
Starla nina Juday at Raymart malabo pa raw ang kapalaran!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2019 - 12:00am

Wala pa ring balita kung kailan talaga mapapalabas ang Starla ni Judy Ann Santos. Maging ang ibang kasama sa serye ay naiinip na. Nag-resume na raw sila ng taping nung minsan pero natigil na naman. Inulit ng source na ang sabi sa kanila ng management, sila ang papalit sa Ang Probinsyano na parang imposible naman tapusin pa dahil sa taas ng rating. Ang leading man din ni Juday na si Raymart Santiago pumasok na sa Ang Probinsiyano at si Judy Ann may bagong restaurant.

Ang ibang mga member ng cast tumatanggap na rin ng raket sa abroad. Malakas ang AP at patunay dito ang mataas na resulta sa survey ng dating senador na si Lito Lapid na kumakandito uling senador. Maaalalang grabe ang inabot na pang-aalipusta ng dati nang senador eh bakit front runner pa siya sa survey? Si Coco Martin ang endorser ni Mr. Lito dahil sa dati siyang fight instructor ng programa nila. Si Sen. Grace Poe ganundin. Steady sa survey. No. 1 pa. Pero ang ipinagtatanong ay kung nominee rin ba sa Ang Probinsyano Partylist ang anak ni Sen. Grace na si Brian Llamanzares?

Anyway, more than a week na lang ay Election Day na. Magkakaalaman na ang lahat.

Or baka naman may ibang rason kung bakit hindi pa napapalabas ang Starla?

JUDY ANN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with