Maine
Maine hindi matapus-tapos ang birthday!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2019 - 12:00am

Nung March 3 pa ang 24th birthday ni Maine Mendoza pero hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagpa-party ang fans niya para sa kanya.

 Kamakalawa sa Sequioa Hotel ay masa­yang nag-celebrate ang fans ni Maine at pati na rin si Alden Richards ang kaarawan ng phenomenal star ng Eat Bulaga.

Kasama ni Maine na duma­ting ang magulang niya at tuwang-tuwa sila sa bonggang inihanda ng fans.

May banda para magbigay ng entertainment at ang daming cake na dala nila.

Sa sobrang tuwa, hindi napigilan ni Maine na maluha sa ipinakitang pagmamahal ng fans.

Pahayag ng Eat Bulaga Dabarkads; “Gusto ko magpasalamat sa inyo sa lahat nandito ngayon, sa lahat na nag-organize, sa lahat po na attendees, ang naging part ng birthday party na ito, nagpapasalamat po ako.

“Nagpasalamat ako kasi alam naman natin lahat na marami ang nawala. Pero nandito pa rin po kayo. Kaya nagpapasalamat po ako.”

“Hindi natin alam kung ano ang mangyayari balang araw, pero nagpapasalamat pa rin po ako sa inyo.

“Sa lahat na nagawa nyo po sa akin, sa amin po ni Alden. Sa lahat po na patuloy nyong suporta sa amin pong dalawa. Maraming salamat po.

“Kahit individually na po ang mga ginagawa naming proyekto, nagpapasalamat pa rin po ako sa inyo sa patuloy nyong pagsuporta at pagmamahal sa amin. Sobrang tini-treasure po naming dalawa yun.

“Kung ano man po ang mangyari…hindi man natin alam kung hanggang saan ang pagsuporta nyo, kung hanggang saan to matatapos, gusto ko lang po malaman nyo  ang taus-puso po akong nagpapasalamat sa lahat na naipakitang suporta at pagmamahal po sa akin mula simula.

“Sobrang na-appreciate po ang presence nyo rito.”

Marami ang natuwa sa mga fans ni Maine dahil ramdam daw nila ang sincerity ng mga sinabi nito.

Hindi rin niya nakalimutang isama si Alden, kaya ang daming nagpahayag na hindi nila iiwan ang actress/TV host.

Nagpatawa pa nga si Maine na kaya raw siya naiyak dahil sa music.

Sabi pa niya; “Hindi nyo masasabing umaarte ako kasi alam nyo hirap akong umiyak pag-umaarte ako.”

Nag-trending si Maine at hanggang kahapon ay masaya siyang pinag-usapan ng mga fans sa social media.

Napag-alaman ding pangatlong pa-birthday na pala ito ng fans kay Maine.

Meron pa raw pang-apat kagabi na ginanap sa isang hotel din sa Quezon City.

Ngayon lang daw kasi sila nagkaroon ng time para i-celebrate ito dahil sa hindi kayang isingit sa schedule ni Maine.

Aldub endorsement napunta na kay Kathryn

Patapos na rin ang shooting ng Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Nag-trending din ang #EthanisAlden at nakikita sa mga ipinu-post ng fans na tuwang-tuwa sila sa pag-istima sa kanila ni Alden nang nasa Hong Kong ito.

Kahapon din ay nagpa-trending din ang fans ni Kathryn sa bagong endorsement niyang ice cream na ang pagkakaalam ko ay dating ini-endorse ito nina Maine at Alden.

Pero masaya pa rin ang fans ni Maine dahil may mga bago rin itong endorsement.

Meron siyang bagong produktong ini-endorso kasama si Wally Bayola.

Kaya mainit pa rin talaga sila at ramdam mong hindi nagpapabaya ang kanilang mga fans.

Kahit lumalabas na nagkakanya-kanya sina Alden at Maine, masigasig pa rin sa pagsuporta ang fans at patuloy silang nagti-trending.

Lalo naman ang Kath­Niel fans na kahit magsisimula na ang promo ng Hello, Love, Goodbye, solid pa rin ang suporta sa loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn. Nakikitang nagtutulungan sila sa kani-kanilang proyekto.

Kaya inaasahang maganda ang kalalabasan ng Hello, Love, Goodbye.

Rowell at Raymart walang paki sa mga pasaring ni Claudine!

Hindi na lang pinansin ng mga Santiago brothers ang pasaring ni Claudine Barretto sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda na okay lang daw mag-guest siya sa FPJ’s Ang Probinsyano basta wala lang dun si Raymart.

May hirit pa siyang biro na sana sa kanya raw mapunta ang talent fee ng estranged husband.

Hindi na lang ito pinansin ni Raymart, basta nasa Ang Probinsyano pa rin naman siya.

Hindi ko lang sure kung may balak ba ang teleserye ni Coco Martin na kunin si Claudine.

Hiningan ng kaibigang Noel Ferrer ng reaksyon si Rowell Santiago na nasa Ang Probinsyano rin, deadma na lang siya.

“Matanda na sila, may kanya-kanya na silang buhay. Ayokong madamay pa sa kung anong isyu ang meron sa kanila,” safe lang na pahayag ni Rowell.

Tingin ko naman wala na silang panahong pansinin pa ang mga ganung pahayag ni Claudine.

Samantala, masaya na rin si Rowell dahil kasali pala siya sa repeat ng Rak of Aegis.

Maganda rin yung may bago kang mapapanood sa sikat na musical play na ito.

Dinig ko nga meron pang isasali sa Rak of Aegis na Kapuso hunk star. Inaalam pa kung matutuloy.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with