^

PSN Showbiz

‘Arjo’ natanong ni Maine sa EB

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
�Arjo� natanong ni Maine sa EB
Arjo

SEEN: Si Vic Sotto ang napangiti sa sagot ng isang stuntman na nag-double ito kay Arjo Atayde sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles. Si Maine Mendoza ang nagtanong sa stuntman at nangyari ito sa Boom segment ng Eat Bulaga noong Biyernes, May 3, 2019.

SCENE: Dasal ang hiling ni Bela Padilla para sa kanyang ama na may-sakit at naka-confine sa isang ospital sa Thailand. Lilipad si Bela sa Thailand para dalawin ang tatay niya.

SEEN: Dumalo sina Princess Punzalan, Lovi Poe at KC Concepcion sa premiere ng Yellow Rose sa Aratani Japan America Theatre sa Los Angeles, California. Marami ang nanibago kay KC dahil medyo nadagdagan ang kanyang timbang.

SCENE: Isang Filipino-made movie ang Yellow Rose na pinagbibidahan ng former Miss Saigon na si Eva Noblezada at ng original Miss Saigon na si Lea Salonga. Tungkol sa undocumented 17-year old Filipina na nangangarap na maging singer ang kuwento ng Yellow Rose at mula ito sa direksyon ni Diane Paragas.

SEEN: Mapapanood ngayong gabi sa ABS-CBN ang 67th FAMAS Awards na ginanap sa Meralco Theatre noong April 28, 2019. Top winners ng 67th FAMAS sina Nadine Lustre, Eddie Garcia, Joem Bascon at Adrienne Vergara.

SCENE: Bakasyon muna si Jestoni Alarcon sa mga teleserye dahil re-electionist siya bilang board member ng unang distrito ng Rizal province. Kapag pinalad na manalo si Jestoni, makukumpleto niya ang tatlong termino ng kanyang panunungkulan.

SEEN: Kinaiinggitan si Nadine Lustre ng mga kababaihan dahil sa pagkakaroon ng mabait at understanding boyfriend na tulad ni James Reid. Ipinagtapat ni Nadine na naiintindihan ni James ang kanyang mga mood swing at imbes na magalit, kinakausap at pinapaliwanagan siya nang maayos nito.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with