Empoy
Empoy nagpa-empress sa drama
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2019 - 12:00am

Mukhang hindi lamang pansamantala ang tagumpay na ibinigay ng pelikulang Kita Kita kay Empoy Marquez. 

Napili siya para magbida sa pangunahing drama anthology ng bansa, ang Maalaala Mo Kaya at hindi naman niya binigo ang kanyang mga tagasubaybay. 

Pinahanga niya ang mga manonood sa kanyang pagganap sa isang dramatic role na hindi nila ikinagulat dahil ever since naman ay kinakitaan na siya ng talento sa pag-arte. Hindi lang naman si Alessandra de Rossi ang marunong umarte, nagawa naman niyang sabayan ito sa kanilang matagumpay na pelikula na dahilan marahil sa tagumpay nito kung kaya pagsasamahin silang muli ng Spring Films nina Piolo Pascual, Bb. Joyce Bernal at Erickson Raymundo sa isa pang movie na sa Paris kukunan. Ito ang Walang Ka-Paris na ang direktor nila ay ang direktor din ng Kita Kita na si Sigrid Andrea Bernardo. Sikreto marahil ng tagumpay ni Empoy ay ang pagiging mapagkumbaba niya sa kabila ng kanyang tagumpay.

Mga kandidato nag-aagawan ng credits!

Kailangang mag-double effort ang mga male senatoriables natin. Mukhang iniiwan sila ng milya-milya ng mga babaeng tumatakbo din para sa Senado. Base ito sa magkakasunod na survey na isinasagawa ng marami nating kababayan na kung hindi man gustong malaman kung saan nakaposisyon ang mga kandidato nila ay gustong lituhin ang publiko sa tunay na katayuan ng mga tumatakbong personalidad para sa senado. 

I’m sure happy si Fernando Poe Jr. dahil nangunguna pa rin sa survey ang anak niyang si Grace Poe. Wala man siya para matulungan ito, andyan naman ang ina niyang si Susan Roces na palaging present sa kampanya ng kanilang anak. Hindi rin nawawala sa Top 10 sina Cynthia Villar, Pia Cayetano at pumpuwesto na rin si Lito Lapid sa pagiging kandidato niya. 

Ang dami-daming senatoriables ang nagki-claim na pasimuno sila ng pag-aaral na walang matrikula o free educaton, pero sino nga ba sa kanila ang dapat umako ng kredito nito? Yung libre o pagmumura ng mga gamot kanino dapat ipagpasalamat ng mga nakikinabang? Halos mag-eeleksyon na, nakapili na ba kayo ng inyong mga iboboto? Ako at ang marami kong kakilala ay meron nang mga iboboto, hindi na ito mapapalitan pa. Nag-research talaga ako kung sino ba ang nagtrabaho, at hindi lamang nagpasasa sa kanilang puwesto, yung mga gumawa at nagpasa ng maraming batas na pinakikinabangan nating lahat, puwede pang madagdagan ito habang papalapit ang halalan.

Martin at Pops pinag-iinteresan pa rin

Magsasamang muli sa isang serye ng konsyerto ang Concert King and Queen na sina Martin Nievera at Pops Fernandez. Sayang at hindi ito sa bansa magaganap kung hindi sa US at Canada na sana ay maging matagumpay para magkaroon ito ng local counterpart. After all, hindi pa mapapasubalian ang maga­ling na perfortmance ng dalawa sa concert stage. Dito ay puwede nilang makasama ang anak nilang si Robin Nievera at ang nakatuluyan nitong si Zia Quizon.Marami ang interesado pa rin sa dalawang concert royalty at maging kina Robin at Zia din.

Pelikula nina Raymond at Rachel humakot ng parangal

Hindi isa kung hindi 12 parangal ang tinanggap ng pelikula ng Star Cinema at IWant na Quezon’s Game sa Texas Film Festival at Cinema Worldfest Canada kasama na ang Awards for Excellence for Actor at Actress para kina Raymond Bagatsing at Rachel Alejandro at ang direktor ng movie na si Matthew Rossen. Sina Bagatsing at Alejandro ang gumanap ng roles nina Manuel at Aurora Quezon sa isang kuwento tungkol sa ginawang pagliligtas ni Quezon sa mga hudyong refugees na nasa bingit ng giyera at pagkawasak. Best Foreign Film din ang movie. Malapit nang mapanood sa bansa ang naturang pelikula.

EMPOY MARQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with