Ryan Cayabyab
Mga beteranong singer nag-labor of love para sa election
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2019 - 12:00am

Ilang tulog na lang, election day na. 

Pero bago dumating ang nasabing araw, nagsama-sama ang ilang veteran singers para paalalahanan ang lahat na gawing makabuluhan ang pagboto sa pamamagitan ng isang kanta (na ewan ko ba kung bakit parang hindi natutunan ng iba nating kababayan).

May pamagat na Sana Naman, Taumbayan, composed ito ng hitmaker na si Louie Ocampo and penned by singer-composer Joey Ayala at ang kaibigang award winning radio broadcaster na si Noel Ferrer ang producer and Moy Ortiz of The Company na incidentally ay naghahanap pala ng ganitong chance para nga magkaroon ng discussion sa public tungkol sa maayos na election.

“Palapit nang palapit yung eleksyon parang feeling namin kailangan may gawin talaga tayo kasi parang, uy naririnig ba yung boses natin? Parang there was no unified voice for not anything partisan but something that could ask for a peaceful, an organized, orderly and an honest election,” sabi ng kaibigang si Noel.

Labor of love ang lahat ng mga sumali para sa nasabing ‘kampanya.’

Radio and television stations, print organizations, online sites, or groups who are interested in playing, performing, or featuring this non-political song of love and hope can e-mail ortiz.moy@gmail.com or message GoodNewsPilipinas.com social media.

Ang 14 singers na tinawag na Taumbayan ang grupo ay sina :

1. Ryan Cayabyab (National Artist for Music)

2. Jamie Rivera 

3. Jed Madela

4. Robert Seña 

5. Isay Alvarez Seña

6. Maysh Baay of Moonstar88

7. Myke Salomon

8. Reuben Laurente

9.  Jay Durias

10. Mitch Valdes

11. Mass Appeal Choir 

12. The Company

13. Agot Isidro

14. Bayang Barrios

Heto naman ang bahagi ng lyrics na ang pamagat ay Sana Naman, Taumbayan

“Sana naman

Isipin ang kapakanan

Ng mga mamamayan

Maging gabay sa lipunan

At sana kahit na sino’ng manalo

Pagkatapos ng bilangan

Sana naman ang panalo ay

Taumbayan

Sana naman ang panalo ay

Taumbayan…”

ELECTIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with