Aktor na namumutok ang muscle, may libro ng mga lalaking gustong makasama sa kaligayahan
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2019 - 12:00am

Kilala na nga ang isang hunk personality. Marami na kasing kuwentong ikinakambal sa kanyang personalidad. Makulay na ang kanyang mundo na isang senyal kapag nakikilala na ang isang artista.

Marami nang nabubungkal na impormasyon tungkol sa kanyang pagkatao, ang kanyang nakaraan ay binubusisi na rin, dahil ramdam na ang kanyang presensiya sa industriya.

Ang unang kinukuwestiyon sa hunk personality ay ang kanyang gender. Namumutok ang kanyang mga muscles, naglalantad siya ng mga abs, pero ayaw siyang tantanan ng istorya na kabaro rin ang kanyang hanap.

Kuwento ng isang source, “May kalandian kasi ang personality niya. Para siyang teaser, parang gusto niyang tikman ang mundo! At may mga nagpapatotoo naman kasi tungkol sa kuwentong guy rin ang hanap niya!

“May isang kati-katirya pa ngang nagkuwento na mayhawak kunong blue book ang hunk actor na ‘yun! Nakasulat daw du’n ang mga pangalan ng mga male personalities na gusto niyang makasama sa paglipad sa alapaap ng kaligayahan!

“At ang isang pangalang nandu’n, e, ang name ng isang guwapong male personality na tulad niya, e, matagal nang kinakalampag ang sexuality. Pareho lang silang pinagdududahang sirena at hindi siyokoy!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Kailan lang ay kumalat ang kuwento na habang nasasangkot sa isang matinding kontrobersiya ang guwapong hunk actor ay may mga nakakita na naghihintay pala sa kanya sa labas ang isang kilalang male personality.

“Ang akala siguro niya, nu’ng lumabas na siya ng vicinity, e, hiniwalayan na siya ng tingin ng mga uzi! Pero hindi pala! Sinundan siya ng tingin ng mga nandu’n hanggang sa makaalis na siya.

“At ‘yun nga ang kuwento! Waiting sa kanya sa car ang napakaguwapong male personality na nakasulat ang name sa kanyang blue book!

“At hindi lang minsan silang nagkasama, napadalas pa ‘yun, palibhasa nga, e, meron silang pinagsasaluhang happiness na silang dalawa lang ang nakakaramdam kung gaano ka-glorious!

“Nakakaloka! Siya na! Siya na ang reyna! Kanyang-kanya na ngayon ang setro at korona!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Matapos manganak si Julia?    Coco biglang naging pikon 

Maraming nagtatanong kung sino ang hindi kagandahang impluwensiyang nagpapatakbo sa buhay at career ngayon ni Coco Martin. Bigla kasing nagbago ang ihip ng hangin.

Ang dating tahimik lang na aktor ay biglang naging pikon. Panay-panay ang paglalabas niya ng mga mensaheng hindi nakagaganda sa kanyang imahe.

Marami kaming magkakaibigan na nalungkot. Nawalang bigla ang mystery na dating kakambal ng personalidad ng tahimik lang na action star.

Post na rin siya nang post ngayon ng mga mensaheng Ingles na dinudukot niya sa isang social media site. ‘Yun ang isinasagot niya sa mga bashers at maging sa mga reporters na ayon sa kanya ay sobrang nakikialam sa kanyang personal na buhay.

Unang tanong, malinaw kaya sa utak ni Coco Martin kung anong mundo ang pinasok niya, alam kaya niya na kaya nga public figure ang turing sa kanya ay dahil pampublikong buhay ang inentrahan niyang balwarte?

At dahil public figure siya ay nakatiwangwang sa publiko maging ang personal niyang buhay. Hindi maiiwasan ‘yun, hindi dapat ikapikon ni Coco Martin kung nasasaling man ang pribado niyang buhay, dahil ang mundong pinasok niya ay pampubliko.

Nanganak si Julia Montes. Siya ang ama ng isinilang nito. Ano ang dapat ikagalit ni Coco sa istoryang lumabas? E, totoo namang nanganak si Julia, totoo namang siya ang tatay ng bata, ano ang dapat niyang ikagalit sa mga press people na naglabas ng balita?

Ang dapat niyang gawin ay ang humarap sa katotohanan. Kung ayaw man niyang kumpirmahin ang nangyari ay karapatan niya ‘yun bilang indibidwal pero tantanan niya ang pagpapatutsada sa mga taong nakikialam daw sa kanyang pribadong buhay.

Nasira ang kanyang imahe. Kung ang yapak ng kanyang idolong si FPJ (Fernando Poe Jr.) ang pinaplakado niya ay sumablay si Coco Martin. Ang tunay na lalaki ay hindi nakiki­pag-eskrimahan sa patutsadahan, hinaharap niya ang kanyang mga kalaban, hindi siya nagiging balat-sibuyas dahil ang mundong nagbigay-katuparan sa kanyang mga pangarap ay ang showbiz. Ang lokal na aliwan.

Maigsi na ang aming espasyo. Hindi na kakargahin ang ­aming mga opinyon na hindi naman hinihingi ni Coco Martin pero nais pa rin naming itawid sa kanya.

Binulabog niya ang kuta ng langgam, sige, saku-sakong langgam ang makikipagtuos ngayon sa kanya.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with