^

PSN Showbiz

Maricel, gustong i-guide si Janella

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maricel, gustong i-guide si Janella
Maricel at Janella

Magkasama sina Janella Salvador at Maricel Soriano sa pelikulang The Heiress mula sa Regal Films. Ayon kay Janella ay sobrang excited na siyang makatrabaho ang Diamond Star para sa nasabing horror film. “I’m super excited to work on it. Kasi I’m going to get to work with Ms. Maricel Soriano,” nakangiting bungad ni Janella.

Masayang-masaya rin si Maricel dahil makakasama si Janella sa pelikulang posibleng makalahok sa Metro Manila Film Festival 2019. “Alam mo namang wala akong babae (na anak) di ba? Kaya kapag nakakakita ako ng mga batang babae tapos mababait, natutuwa ako sa kanila. Gustung-gusto kong gina-guide ‘yung mga artista na nagpapa-guide,” paglalahad ni Maricel.

Gaganap si Janella bilang pamangkin ng karakter ni Maricel na isang mambabarang. “Ipapasa niya sa akin ‘yung pagiging mambabarang niya,” pagbabahagi ni Janella.

“Actually mas powerful siya kaysa sa akin but she doesn’t know. May twist pa iyon. Kung anong gagawin niya sa akin after all these years na inalagaan ko siya, na grinoom ko siya. Sa akin siya lumaki kaya sobrang hurt ko,” dagdag naman ng Diamond Star.

Makakasama rin sa nasabing pelikula sina Carmina Villarroel at McCoy de Leon.

Robi, maraming natutunan sa non showbiz gf

Masayang-masaya si Robi Domingo sa relasyon nila ng non-showbiz girlfriend na si Maiqui Pineda. Wala na raw mahihiling pa ang aktor ngayon dahil maayos ang lahat ng mga bagay sa kanyang personal na buhay. “Masayang-masaya ako ngayon kasi okay lahat, sa pamilya ko okay, sa business aspect okay, sa trabaho saka sa personal life okay. Pakiramdam ko sobrang sweet ko ngayon, I’m seeing someone and I’m really happy with her,” nakangiting pahayag ni Robi.

Matatandaang si Gretchen Ho ang huling naging kasintahan ng binata. Umabot din ng ilang taon ang relasyon ng dalawa bago pa tuluyang nagkahiwalay. Ayon kay Robi ay malaking bagay na hindi kasamahan sa showbiz industry ang kanyang kasin­tahan ngayon. “Simple at wala siya sa industriyang ito. So mas marami kaming napag-uusapan sa labas. Mas marami akong natututunan sa kanya saka ang sarap niyang pakisamahan,” pagbabahagi ng aktor.

Samantala, halos araw-araw napapanood si Robi bilang isa sa mga host ng Pinoy Big Brother Otso. Mayroon na raw napupusuan ang TV host sa mga housemate na posibleng tanghaling ‘Big Winner’ sa pagtatapos ng season sa mga susunod na buwan.

“Everyday ako nasa loob ng bahay ni Kuya. Tapos nakikita ko ‘yung mga qualities na magiging big winner. So for sure ako meron na akong bet, hindi nga lang bet, parang ina-idolize ko na eh,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with