Coco tuloy ang patama sa bashers
Coco
Coco tuloy ang patama sa bashers
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - May 3, 2019 - 12:00am

SEEN: Handa na sina Korina Sanchez at Mar Roxas na ipakilala sa mga miyembro ng media ang kanilang kambal na anak na sina Pepe at Pilar na isa sa mga dahilan kaya pinag-uusapan ang senatorial bid ng former senator.

SCENE: Nag-breakdown kahapon si AiAi Delas Alas sa pocket presscon ng Sons of Nanay Sabel nang mapag-usapan ang kanyang biological mother na si Gregoria Hernandez Delas Alas. First time na naging emosyonal si AiAi  nang sariwain nito ang panahon na walang nagawa ang kanyang biological mother sa desisyon ng ama niya na ipamigay siya. Lumabas ng kuwarto ang kapatid ni AiAi na si Joan habang pinag-uusapan ang kanilang pumanaw na ina. Iniiwasan nito na marinig ang kuwento tungkol sa nanay nila dahil naiiyak din siya.

SEEN:  Hindi lamang si Anne Curtis ang may cameo role sa Sons of Nanay Sabel dahil may special participation din ang kapatid ni AiAi Delas Alas na si Joan na tuwang-tuwa dahil sa talent fee na P1,500 na natanggap niya. Ayaw ni Joan na mag-artista dahil napapagod daw siya sa paulit-ulit na take pero tinanong niya ang director na si Dado Lumibao kung binigyan siya ng close up sa Mother’s Day presentation ng Viva.

SCENE: Dapat nang iwasan ni Coco Martin ang mag-post ng mga cryptic message na patama sa mga basher na sinasadya ang pang-iinis sa kanya para  maubos ang pasensya niya. Siya ang itinuturing na Fernando Poe, Jr. ng kanyang henerasyon. Walang mawawala kay Coco kung tutularan niya ang pagiging tahimik at hindi pagpatol ni FPJ noon.

SEEN: Ang comedy series na may animation na Alex and Amie na pinagbibidahan nina Mikael Daez at Max Collins ang sinasabi na ipapalit sa timeslot ng Hiram Na Anak na malapit nang magwakas. Kapag natuloy ang plano, dalawang programa ni Max ang mapapanood sa GMA 7, ang morning show na Alex and Amie at ang afternoon drama series na Bihag.

Scene: Naranasan ni Sanya Lopez na masabunutan ng fans sa taping ng Tadhana sa Tanay, Rizal. Hindi nakontrol ng mga taga-hanga ang kanilang excitement nang makita nila nang personal si Sanya.

COCO MARTIN KORINA SANCHEZ AND MAR ROXAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with