Audition sa bagong Darna umpisa na
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - May 3, 2019 - 12:00am

Pagkakataon na ng mara­ming kababaihan, may edad mula 20 hanggang 26 na maging artista at sumikat. Binuksan na ng ABS-CBN at Star Cinema ang mga pintuan nila para mahanap ang isang baguhang babae para gumanap na Darna. Mababawasan na nito ang pagkakagulo ng maraming kababaihan, sikat man na artista o beauty queen na lahat may ambisyong maging sikat na heroine ni Mars Rave­lo simula nang bitawan ito ni Liza Soberano. Baka nga naman mas sumikat pa si Darna kung isang baguhan ang mapiling gumanap sa kanya. Kaya, huwag na kayong papahuli, go na kayo at sumali sa audition na magaganap sa May 4 at 5, 10 nang umaga sa ABS CBN au­dien­ce entrance para sa mga physically fit, maalam sa contact sports, marunong mag-Tagalog at may acting expe­rience. Hindi na siguro kailangan pang sabihin na kaila­ngang artistahin ang mag-o-audition.

Tony bumabangon sa eskandalo

Kung bida si Tony Labrusca sa Sino Ang Maysala (Mea Culpa), isang bagong serye ng ABS-CBN also starring Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, Kit Thompson, Sandino Martin, Ketchup Eusebio, Ivana Alawi at marami pa, kontrabida naman siya at isang bad boy sa episode ng Ipaglaban Mo ngayong Sabado. Swerte ng balikba­yan actor dahil nabigyan siya ng panibagong break after that unforgettable incident at the Immigration department. 

Akala ng lahat katapusan na ng karera niya pero he is able to bounce back and regain his promising start as an actor.

Andrea at BiGuel pagsasamahin sa pelikula 

Hindi lang pala ang Regal Films ang nagagawang mapagsama sa isang project ang mga artista ng magkakalabang networks, ginagawa na rin ito ng APT Entertainment. 

Sa pelikula nitong Banal na palabas sa May 28, mapapagsama-sama nito sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali ng Kapuso Network at ang Kapamilyang si Andrea Brillantes. Siguradong masusundan pa ito. 

Daniel abala sa kampanya

Dahil ang ka-loveteam niyang si Kathryn Bernardo lamang ang may sino-shoot ngayong pelikula kung kaya sinasamantala ni Da­niel Padilla ang kanyang panahon para tulungan ang kanyag amang si Rommel Padilla sa panga­ngampanya nito bilang congressman sa isang lalawigan. All out ang suporta ng Teen King sa kanyang ama na sumabak na rin sa pulitika katulad ng utol nitong si Robin Padilla na walang tinatakbong posisyon pero, todo suporta naman sa mga kandidato ng  adminis­trasyon.

ABS-CBN AND STAR CINEMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with