^

PSN Showbiz

Pagkakuha ng best actress trophy, Nadine nagmamadaling lumayas sa famas!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pagkakuha ng best actress trophy, Nadine nagmamadaling lumayas sa famas!
Nadine

Wagi ang JaDine fans sa pagkapanalo ni Nadine Lustre bilang Best Actress sa nakaraang 67th FAMAS Gabi ng Parangal na ginanap sa Meralco Theater.

Nung inilabas ang list of nominees, nagkaroon na ng konting intriga dahil sa mga nagkukuwestiyon bakit hindi man lang napasama sa mga nominado si Kath­ryn Bernardo.

Magaling naman ang Kapamil­ya actress sa The How’s of Us, pero si Daniel Padilla lang ang na­pansin nila at isinama sa Best Actor nominees.

Kaya nung Linggo pa lang ay tala­gang masigasig na ang mga JaDine fans na dapat si Nadine ang magwaging Best Actress. Ma­buti at nangyari naman.

Medyo taranta pa si Nadine nang tinanggap ang award at hindi raw niya alam kung ano ang sasabihin niya.

Unforgettable raw sa kanya itong Never Not Love You dahil muntik na raw niyang hindi ituloy ang  na­turang project dahil sa malaking bagyo raw na dumating sa buhay niya.

Bahagi ng acceptance speech niya roon sa FAMAS; “Merong isang malaking bagyo na dumaan sa buhay ko. And sobrang malaking damage po yung ginawa nito sa akin, so a few months po before namin umpisahan yung Never Not Love You, palagi ko pong iniisip kung itutuloy ko.

“Kasi, naramdaman ko na baka ma-disappoint lang si Direk Tonette at Boss Vic.

“Ilang beses ko rin pong gustong umatras,” bahagi ng pahayag ni Nadine.

Sabi pa niya; “Kahit po nandun po ako sa lowest point ko, naitawid ko po ‘yung pelikula with flying colors.”

Trending agad ang #NadineLustreFAMASBest Actress hanggang kinabukasan dahil sa pagbubun­yi ng mga fans.

Okay na okay sana ang kuwento tungkol sa pagkapanalo ni Nadine, nabahiran lang ng kanegahan nang marami nagkuwestiyon bakit umalis ito agad pagkatapos niyang tanggapin ang award.

Ilang beses pa namang sinasabi nung gabing iyun na pinapaalalahanan ang mga winners na mag­ka­­karoon ng photo op pagkatapos ng awarding.

Si Nadine ang isa sa mga huling awards na igina­wad kaya hindi naman siya maghihintay ng matagal.

Pero umalis siya agad, kaya sayang lang dahil walang Best Actress winner sa kanilang group picture.

Marami tuloy ang gumawa kung anu-anong kuwento bakit lumayas agad si Nadine.

Congratulations na rin kay Nadine at sa iba.

Hall Of Famer na raw, pagkapanalo ni Eddie idinepensa ni Ricky Lee

Sinagot naman ni Ricky Lee ang ilang nagkuwestiyon sa pagka-nominate at pagkapanalo ni Eddie Garcia dahil itinanghal na siyang Hall of Famer sa Best Actor.

Bukod sa Best Actor category, nasa Hall of Fame na rin si Eddie Garcia sa kategoryang Best Suppor­ting Actor at Best Director.

Bagong bihis na kasi ang FAMAS at sa totoo lang, inaabangan na ito sa ngayon dahil naibalik ang dating kredibilidad ng naturang award-giving body.

Saad ni Ricky Lee; “We should be happy, and we should be proud na ang isang maraming beses nang nanalo at Hall of Famer ay lumalaban pa rin,” pahayag ni Ricky Lee.

“Napapatunayan na kaya niyang ma­ki­­pagsabayan sa bagong generation ng mga aktor.

Nasa Hall of Fame na rin sina Christopher de Leon, Vilma Santos at Nora Aunor. Kaya ibig sabihin, puwede na rin silang lumaban sa susunod na parangal kung meron silang pelikulang puwedeng ilaban sa naturang award-giving body.

JK pumalag na naman sa mga tumawag ng darren habang nagko-concert

Nag-emote na naman si JK Labajo sa kanyang Instag­ram account tungkol sa ilang concertgoers na bastos pa rin daw ang iba kapag nanonood sa kanyang concert.

Sabi ni JK sa kanyang IG Story; “Puro pagpapansin ang ginagawa sa mga gigs ng mga taong walang modo na nakikisabay lang sa bandwagon ng mga ulol na walang ibang magawa sa buhay kung hindi mambastos sa artist na nagpe-perform sa mga lugar nila.

“Mga walang respeto sa kapwa, mga walang hiya. Naawa ako sa mga magulang ninyo.”

Hindi lang niya binanggit kung saan at kung ano gina­wa pero halata ang galit niya sa di magandang ka­ra­nasan sa isa sa mga gig niya.

Nung nakaraang linggo kasi ay isa si JK sa nag-perform sa Aliwan Fiesta 2019 na ginanap sa labas ng Aliw Theater.

Dinagsa ito ng napakaraming tao dahil bukod sa banda niyang Juan Karlos, nag-perform din doon ang Ben and Ben, This Band at Extreme Lab.

Ang banda ni JK ang huling nag-perform at tinilian din ito nang husto.

Pero may mga ilan pa rin doon na sumisigaw ng “I love you Darren!” Ewan ko lang kung narinig iyun ni JK.

Kaya baka isa iyun sa in-emote niya sa kanyang post sa Instagram account.

vuukle comment

67TH FAMAS GABI

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with