^

PSN Showbiz

Pagiging makabayan buhay na buhay sa Quezon City

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pagiging makabayan buhay na buhay sa Quezon City
Joy

Gusto kong purihin ang Quezon City government dahil sa paglalagay ng mga Philippine flag at pagtatanim ng Bougainvillea plants sa islands ng East Avenue.

I don’t know pero may tug o hugot sa heart kapag nakikita ko na naka-display ang bandera ng bansa natin.

May mararamdaman na pride sa puso mo at ito ang dapat na ipatupad, ang gawin na mandatory ang pag-display sa harap ng mga bahay at sa buong bansa ng Philippine flag, hindi lamang tuwing Independence Day celebration.

Ang Bougainvillea plants naman, parang Pilipino, matibay. Buhay na buhay ang halaman, umulan o umaraw man at magandang pagmasdan ang iba’t ibang kulay.

Mas pipiliin ko ang Bougainvillea plants kesa sa Cherry Blossoms na dinarayo pa sa Japan ng mga turista.

Thank you Vice Mayor Joy Belmonte for putting Bougainvillea plants on East Avenue islands and for displaying the Philippine flags on the lampposts.

I am so proud of being a resident of Quezon City. Sana gawin din ni future Councilor Mikey Belmonte sa lugar na masasakupan niya ang paglalagay ng Philippine flags at Bougainvillea plants.

Mga Partylist…may common denominator  

Marami ang friends ko na kumakandidato bilang representative ng iba’t ibang mga partylist.

Nandiyan ang Inang Mahal ni Manay Gina De Venecia, ang Buhay ni Congressman Lito Atienza, Ang Probinsyano ni Ronnie Ong, ang ACT-CIA nina Raffy Tulfo at Niña Taduran, ang Abang Lingkod na suportado ni Papa Albee Benitez.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin ma-understand ang concept ng party­list pero sure ako na malaki ang maitutulong nito sa mga Pilipino.

Cute para sa akin ang mga name nila, ang Inang Mahal na si Boy Abunda ang nagbigay ng pangalan sa party list ni Manay Gina.

Pro-life si Congressman Lito Atienza kaya siya ang representative ng Buhay, ang kapakanan naman ng mga probinsyano ang priority ng Ang Probinsyano, ang paglaban sa mga krimen at sa mga nang-aapi ang party list na ipinangangampanya nina Papa Raffy at Niña, ang matulungan ang mga kababayan natin na may mga problema sa bahay, ospital at schools ang layunin ng Abang-Lingkod.

Ang makatulong sa lahat ang common denominator ng mga party list kaya sana magtagumpay sila.

Terrence lucky charm ang misis

May laban kagabi ang San Miguel basketball team. Kung bata-bata ako at puwedeng maging cheerleader, manonood ako ng laro ng San Miguel para mag-cheer kina Von Pessumal at Terrence Romeo.

Pero senior citizen na ako at ayoko nang magpuyat kaya wait ko na lang balita kung sino ang nag-win.

Siyempre, ang San Miguel ang type ko na maging champion dahil mahal ko ang Dickies na sponsor ng jersey ng mga player.

Mahal ni Dodie Arcaya ng Dickies ang team nina Terrence at Von kaya talagang pray ako na manalo sila. Sure ako, lucky charm ni Terrence ang BFF namin, ang legal wife na si Pia Romeo.

Hay naku lumawak na ang aking mundo, may showbiz na, may politics, pati sports pasok na rin. Basta sure ako, good performance ang ipinakita kagabi nina Von at Terrence Romeo.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with