^

PSN Showbiz

Ronnie binuksan ang utak kay Loisa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ronnie binuksan ang utak kay Loisa
LoiNie

Magtatatlong taon nang magkasintahan ngayon sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Masayang-masaya ang dalawa dahil kahit maraming intriga na ang kanilang kinaharap ay nananatiling matibay ang relasyon.

“Kami kasi ni Ronnie hindi kami nagpapaapekto sa mga sinasabi ng ibang tao. Kumbaga, kung anong meron kami sa amin lang. So hindi kami showbiz bilang mag-jowa. Kung ano meron sa amin, kami lang nakakaalam. At kung may problema, kami lang ang mag-aayos,” nakangiting bungad ni Loisa.

“Respeto sa isa’t isa, siyempre kung medyo sarado ka, i-open mo ‘yung utak mo para sa babaeng gusto mo at mahal mo,” dagdag naman ni Ronnie.

Noong Linggo ay isang magandang sorpresa ang ibinigay ng aktor para sa kaarawan ni Loisa. Ginawa raw lahat ni Ronnie ang kanyang makakaya upang mapasaya lamang ang kasintahan kaya nagpatulong na rin sa mga malalapit na kaibigan. “Sabi ko, ‘Paano ko ba mapapasaya si Loisa?’ Kasi ang daming pinagdaanan, stressed kami. Paano mawawala sa isip namin ‘yung mga nangyari. So ‘yon, sinurprise ko siya nang malupet. Gusto ko talaga siya paiyakin. Kaso nakita niya raw ‘yung mga tropa ko nagtatakbuhan kasi nagsisindi ng kandila, bigla na lang siya natawa,” nakangiting kuwento ni Ronnie.

Samantala, nagsimula na ang shooting para sa pelikulang James & Pat & Dave na pinagbibidahan ng tambalan nina Loisa at Ronnie. Kasamang bida rin ng magkasintahan si Donny Pangilinan sa nasabing proyekto. Sequel ito ng Vince & Kath & James na pinagbidahan din noon nina Ronnie, Julia Barretto at Joshua Garcia.

Yen binigyan ng oras ang sarili!

Mamayang gabi na ;magtatapos ang teleseryeng Halik na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yen Santos, Yam Concepcion at Sam Milby. Kamakailan ay napabalitang nagpahinga umano si Yen sa social media para mas mapabuti pang gampanan ang karakter sa serye bilang si Jacky. “Nagpahinga lang po. Kasi parang everyday wala na akong ginawa. Parang doon na umiikot ang mundo ko. Paggising ko, check agad ng social media. So parang nagkaroon lang ako ng time for myself at sa ibang bagay,” paliwanag ni Yen.

Aminado ang aktres na naapektuhan na rin siya sa mga mapanirang mga salitang sinasabi ng online bashers tungkol sa pagbigat ng kanyang timbang. “Siyempre sinasabihan din po kami. So parang kailangan na­ming maging conscious sa lahat ng kinakain namin. So ako everytime na mayroong taping, mayroon akong sariling food. Nagdi-detox ako,” pagbabahagi niya.

“Kasi naman ang bashers nandiyan naman ‘yan, kahit saan ka lumi­ngon meron. Dati pa nag-start pa lang ako talagang meron na ‘yan. Pero hindi ito (pagpapahinga mula sa social media) dahil doon, para lang mas makagawa ako ng mas importanteng bagay,” dagdag pa ng aktres.(Reports from JCC)

vuukle comment

LOISA ANDALIO AND RONNIE ALONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with