^

PSN Showbiz

Anne magtatagal sa Portugal

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Anne magtatagal sa Portugal
Anne

SEEN: Si Anne Curtis ang celebrity ambassador ng Belo Thermage FLX ng Belo Medical Clinic. Opisyal na ipakilala si Anne bilang celebrity ambassador sa Iluminous, ang The Belo Bloom Party na ginanap sa Bonifacio Hall ng Shangri-La The Fort noong Miyerkules nang gabi.

SCENE: Special guest sa The Belo Bloom Party si Scarlet Snow Belo na umakyat at nagtatakbo sa stage habang ipinapaliwanag ng kanyang nanay na si Dra. Vicki Belo ang mabilis at resulta ng Thermage FLX, ang latest non-invasive Face Lift Tech na unang ginamit ni Dra. Belo sa American boxing superstar na si Floyd Mayweather, Jr.

SCENE: Kasama si Marco Gumabao, lilipad si Anne sa Portugal para sa shooting ng kanilang pelikula, ang Just Stranger. Isang linggo na mananatili sa Portugal sina Anne at Marco.

 Sina Marco at Edu Manzano ang leading men ni Anne sa Just A Stranger. Nauna nang kunan ang mga eksena nina Marco at Anne dahil busy pa si Edu sa pangangampanya sa kanyang kandidatura bilang house representative ng lone district ng San Juan City sa midterm elections.

SEEN: Pumasok sa isip ni Anne na lumipat sa lower floor ng apartment building na tinitirhan nila ng kanyang asawa na si Erwann Heussaff dahil sa malakas na lindol na nangyari noong April 22, 2019. Nakatira ang mag-asawa sa 42nd floor ng apartment building. Hindi nag-evacuate si Anne at ang kanyang ina nang maganap ang lindol dahil bukod sa kailangan na bumaba sila mula sa mataas na hagdan, nagpapagaling pa sa operasyon ang nanay niya.

SCENE: Nominated si Anne sa Best Actress category ng 67th FAMAS na magaganap sa Meralco Theater sa April 27, 2019. Nominado si Anne para sa performance niya sa Sid & Aya: Not a Love Story ng Viva Films. Co-nominees niya ang mga kapwa niya Viva Artists Agency contract stars, sina Sarah Geronimo (Miss Granny) at Nadine Lustre (Never Not Love You).

vuukle comment

ANNE CURTIS

THE BELO BLOOM PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with