^

PSN Showbiz

Female personality na walang kadala-dalang matalo, laging wagi ang bulsa sa eleksiyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nagtataka at nagtatanong kung bakit walang kasawa-sawa sa pakikilahok sa mundo ng pulitika ang isang kilalang female personality samantalang hindi naman siya nananalo.

Palaging olats ang babaeng personalidad sa mga posisyong tina-target niya, milya-milya ang kalamangan sa kanya ng mga kalaban, pero sige-sige pa rin siya sa pagtakbo.

Tanong ng kanyang mga kakontemporaryo, wala ba siyang kapaguran, hindi ba siya nasasaktan na hindi naman siya nananalo kapag tumatakbo siya?

Kuwento ng isang source, “Naku, hindi na siya nadala! Palagi na lang siyang talo, minsan lang siyang nanalo, pero pagkatapos nu’n, e, wala na siyang naipanalo!

“Napakahirap makilahok sa politics, ha? Sa kampanya na lang, e, talagang hahagok ka na sa sobrang kapaguran! E, ang mga gastusin pa? Kung wala ka rin lang sapat na budget sa pagtakbo, e, huwag ka na lang tumuloy!” opinyon ng aming impormante.

Pero isang source naman ang nagkomento na carry lang ‘yun ng female personality, kaya niyang magsakripisyo sa pagtakbo palagi kahit pa hindi naman siya nananalo, dahil may premyo pala ‘yun sa dulo?

Sabi ng aming source, “Naku, talo man siya sa mga tinatakbuhan niyang position, e, panalo naman ang bulsa niya! Tama! E, ano ngayon kung olats siya?

“Aba, kung busog naman ang bulsa niya pagkatapos ng laban, e, mas gusto na niya ‘yun kesa sa wala siyang datung! Remember, hindi na siya masyadong in-demand ngayon sa linya niya, di ba? Nagkakaedad na ang lola n’yo!

“Marami nang bagong singers ngayon, mas magagaling, mas magagan­da, mas napapanahon! Kaya huwag n’yo nang pansinin ang lola n’yo! Pabayaan na lang natin siyang kumandidato nang kumandidato kesehodang palagi naman siyang talo!

“Sa totoo lang, marami siyang sponsors! Maraming tumutulong sa kandidatura niya. Kaya du’n pa lang, e, panalo na ang lola n’yo!

“Saka kung du’n siya liligaya, e, bakit naman natin siya haharangan? Pabayaan na lang natin siya, hayaan na natin siyang matalo nang matalo kung sa bandang huli naman pala ng laban, e, panalo ang kabuhayan showcase niya!” natatawang-napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Regine nadiin

Dahil sa ginawang lantarang pangmamaliit ng radio commentator na si Ben Tulfo laban kay Regine Velasquez ay hindi namin mapipigilan ngayon ang aming sarili na pagkumparahin sila ng kanyang kapatid na si Raffy Tulfo. Pati kina Kuya Ramon at Erwin.

Kilalang-kilala ang Tulfo Brothers sa pagiging marespeto sa mga kababaihan. Ang tingin nila sa bawat babaeng nabubuhay sa mundo ay larawan ng kanilang inang si Mommy Caring.

Si Kuya Raffy, kapag babae ang sangkot sa inirereklamo ay ipinapasa nito ang pagtatanong sa kanyang kapareha sa Wanted Sa Radyo, ayaw niyang husgahan ang babaeng inirereklamo dahil laban ‘yun sa kanyang pamantayan.

Kasalu-saludo ang ganu’n, mas nagiging lalaking-lalaki at bruskong-brusko si Raffy Tulfo dahil sa pagrespeto nito sa mga kababaihan, napakalayo nito sa kanyang kapatid na si Ben.

Sa ngalan ng pakikisawsaw sa isyung pinag-ugatan, ang pagkokomento ni Regine sa mga pahayag ni Secretary Teddy Boy Locsin tungkol sa mga taklobong pinakikialaman ng mga Tsino, ay ang female singer ang madiing nilait ni Ben Tulfo.

Talagang inilampaso niya ang Asia’s Songbird, tinatanggalan niya ng karapatang magbigay ng kanyang opinyon, dahil hindi raw ‘yun ang linya ni Regine.

Bakit, Pilipino ang singer, nagmamalasakit si Regine sa ating karagatan at kalikasan, wala na bang karapatang magbigay ng komento ang isang Pilipino dahil pagkanta lang ang kanyang linya?

Sobrang magbitiw ng mga salita itong si Ben Tulfo. Kababaeng tao ng kanyang inuupakan, nasaan na ang respetong tatak ng Tulfo Brothers sa mga ginawa niyang pangmamaliit at pangmemenos sa pagkatao ni Regine Velasquez?

Mema lang? May masabi lang? Hindi bale nang halos ipagngud­nguran niya sa sahig ang kapasidad ng personalidad na pinupuna niya? Teka lang muna.

May panahon na si Ben Tulfo sa panglalait kay Regine Velasquez. Siguro nga may ay sapat na panahon na siya ngayon para ibaling sa iba.

Naibalik na kaya ni Ben Tulfo ang milyun-milyong pisong kinukuwestiyon ng Department Of Tourism kung bakit lumanding sa kanyang programa samantalang kapatid niya ang tagapamuno nu’n ng ahensiya?

Kung hindi pa tapos ang usapin, tantanan niya si Regine Velasquez, ‘yun muna ang kanyang ayusin!

vuukle comment

BEN TULFO

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with