^

PSN Showbiz

Controversial actress tinataguan ng mga katrabaho

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Parang tama lang ang ginawa ng sikat na young actress na magtago nang narinig niya ang boses ng maingay at kontrobersyal na aktres nang magkasabay sila sa isang beauty clinic.

Pareho pala silang nagpapa-treat ng mukha sa iisang beauty clinic na ini-endorse siguro nila.

Naunang nagpa-treat doon si young actress, at palabas na sana siya ng clinic nang narinig niya ang boses ni kontrobersyal aktres na papasok na.

Biglang hinatak ni young actress ang mommy niya na magtago muna sila sa isang cubicle.

Kahit nagkasama sila noon sa isang teleserye, tila hindi kumportable si young actress dito kay kontrobersyal na aktres. Kaya nagtago na lang siya para hindi na sila magkatsikahan.

Sabi ng mga taong close kay young actress, tama raw yung ginawa niya. Baka raw kasi magpa-selfie pa si aktres kay young actress at mag-post na magamit lang para mapag-usapan.

Mahilig kasi gumawa ng ingay si kontrobersyal na aktres, at baka madamay pa raw si young actress.

Sabi ng ibang may alam sa nagaganap sa showbiz, hindi lang naman daw si young actress ang nagtatago kapag nandiyan itong si kontrobersyal na aktres.

May iba pa raw na umiiwas na lang na madikit kay kontrobersyal na aktres. Hindi raw sa ‘di nila type ito, kundi umiiwas lang daw na makaladkad sa kontrobersya.

Tekla mangiyak-ngiyak sa pagbibida

Hindi napigilan ni Super Tekla na maluha nang nakatsikahan namin sa set ng pelikulang Kiko en Lala.

Hindi raw niya kasi naisip na maabot niya itong kinalalagyan niya ngayon, at may pelikula nang pinagbibidahan niya.

Simpleng buhay lang naman daw ang hangad niya noon.

“Pinaka-dream ko lang yung magkaroon ako ng minimum wage na trabaho eh.

“Hindi ko akalain na dati kung ano lang…sobrang na-amaze lang talaga ako, kaya thankful talaga ako sa GMA. Kaya tutumbasan ko talaga yung pagtitiwala,” paputul-putol na pahayag ng Kapuso comedian dahil umiiyak na ito.

Nung unang napanood nga raw niya ang trailer ng pelikula, naiyak din siya dahil hindi raw talaga nag-sink in sa kanya na bida na siya.

Ang pakiusap lang niya na sana huwag na lang daw siyang ikumpara kay Vice Ganda dahil ang layo naman daw niya sa sikat na comedian/TV host.

Hindi lang daw niya akalaing ipagkatiwala sa kanya ang ganung pelikula na bale first production pa ng Backyard Productions.

Mabuti na lang at pinababayaan naman daw siya ni direk Adolf Alix na ibigay ang sarili niyang style sa pagpapatawa.

Kasama ni Tekla rito sina Kim Domingo, Derrick Monasterio, Jo Berry at si Divine Tetay.

Sa May 22 na ito ipalalabas, kaya sobrang napi-pressure daw siya talaga dahil marami ang nag-aabang kung kaya na ba niyang magdala ng isang pelikula.

Julie Anne may regret sa mga ex

Todo ang suporta ng fans ni Julie Anne San Jose sa bagong single niyang kari-release lang nung nakaraang Biyernes Santo na Regrets. Patuloy itong nagna-number one sa iTunes at maganda ang feedback sa ginawa niyang single.

Malalim ang hugot ng Asia’s Pop Sweetheart dahil sabi nga niya lahat naman daw na ginagawa niyang kanta ay hango sa lahat na mga nararanasan niya sa buhay.

Sabi nga ng iba, kanino kaya siya may regrets sa mga pinagdaanan niya sa pag-ibig? Kay Alden Richards ba? Kay Elmo Magalona o kay Benjamin Alves?

Hindi pa masasabi kung meron na bang pinaghahandaan ang GMA 7 na magandang drama series para sa kanya. Guesting muna siya ngayon gaya ng sa darating na Linggo, siya ang tampok sa nakakatuwang episode ng Dear Uge kasama si Rayver Cruz na pinamagatang Dancing in Tandem.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

SUPER TEKLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with